Puro Ka Salita, Kulang Ka sa Gawa?(Isang Pagsubok sa Diyalektika ng Kritika ng Sandata at Sandata ng Kritika, ayon kay Karl Marx) NI E. SAN JUAN, JR. [Para kay Karolina] Pambihira ka Nabighani sa alindog ng iyong dangal habang lugmok sa panaginip Walang sindak mong binalangkas ang ordeng mapanganib at binungkal ang landas Kahit sumabog ang pulbura sa mundong binagtas ng iyong budhi, wala kang takot Siklab ng huling paghuhukom, O armadong anghel – O Paraluman ng pag-asa’t pagnanais, sisikapin kong ipagbunyi ang dahas ng iyong kabayanihan pinagtatalik ang nitroglycerine ng pagnanasa at titis ng tadhana – Walang makapipigil sa iyo, matatag at mabagsik, luntiang apoy ng himagsik kayumanggi, humahagibis ang katawan mong lumalagablab yakap ang bulalakaw ng pagkakapantay-pantay at yapos ng sanghaya ng pambansang kasarinlan. Inilathala ng Bulatlat ( categories: )
RELATED ARTICLES |