Bukas, May-nilad!(Komunikasyon Mula Sa Pusod ng Imperyo) NI E. SAN JUAN, JR.* Mula kay Ka Alegria, pasalubong ang cancion ng sosyalistang pakikibaka Sana’y magtagumpay ang mga makatarungan Habang dito sa Babilonya kami’y nakadukwang sa ilog, naghihintay Panalangin nating magtagumpay ang mga makatarungan Nakaupo sa pampang ng ilog Babilonya, lumuluha tumataghoy Sikapin nating ipagtagumpay ang makatarungan Mula sa gilid ng ilog Babilonya umiiyak kung magugunita ka Oo, walang salang magtatagumpay ang mga makatarungan! Inilathala ng Bulatlat *Kasalukuyang propesor sa comparative literature sa Unibersidad ng Pilipinas sa semestreng ito 2008, si E. San Juan ay kilalang intelektwal-kritikong global sa larangan ng postcolonial-ethnic-cultural studies. Kalalathala ng University of San Agustin Press, Iloilo, ang libro niyang Salud Algabre at Iba Pang Tula, at susunod ang Balikbayang Sinta: An E. San Juan Reader (Ateneo University Press) at From Globalization to National Liberation (University of the Philippines Press). Kalahok si San Juan sa organisasyong Philippine Forum sa New York City, Philippines Cultural Studies Center, at Committees of Correspondence for Socialism and Democracy. ( categories: )
|