Binugtong na Bayan: Paglikha ng Makabayang Bugtong sa Ninunal na Panahon

Ang bugtong o palaisipan ang pinakapaborito kong porma ng tula: maigsi ngunit mabagsik. Kung ang mga bugtong noo’y alinsunod sa animistikong tradisyon (paniniwala sa mga ispiritung naninirahan sa kalikasan), ang mga historikal na karanasan ng bansa ang magdudulot ng pagbabago sa konsepto’t nilalaman ng mga bugtong.

NI MICHAEL FRANCIS C. ANDRADA
Iniambag sa Bulatlat
KULTURA
Vol. VIII, No. 11, April 20-26, 2008

Ang bugtong o palaisipan ang pinakapaborito kong porma ng tula: maigsi ngunit mabagsik. Kung ang mga bugtong noo’y alinsunod sa animistikong tradisyon (paniniwala sa mga ispiritung naninirahan sa kalikasan), ang mga historikal na karanasan ng bansa ang magdudulot ng pagbabago sa konsepto’t nilalaman ng mga bugtong. Ang mga bugtong ng mga Aeta noon hinggil sa tubig ay mayroong katambal na taimtim na pagpapahalaga sa kalikasan:

(1)
Kapag hiniwa mo,
Naghihilom nang walang pilat.

Gayundin ang napaka-pilosopikal na burita o bugtong ng mga taga-Hilagang Luzon na patungkol sa tae o ebak ng kalabaw:

(2)
No baro narukop,
No daan nalagda.

Kung bago’y mahina,
Malakas kung luma.

Sa unang basa o dinig sa kasalukuyan, maaari itong ituring na bastos ng makababasa o makaririnig. Ngunit kung ikokontekstwalisa natin ito sa kaligiran at kapanahunang nagluwal sa bugtong na ito, makikitang walang bahid ng kolonyal na urbanisasyon ang bugtong – na nagpapamalas na ang pag-uusap hinggil sa mga bagay tulad ng tae o dumi ay itinuring lamang na bastos ng mga kolonyal na mananakop, bilang bahagi ng kolonyal na rekonstruksyon nito ng kamalayan ng kinokolonisa. Itinatanghal rin ng buritang ito ang lokal na pilosopiya hinggil sa kronolohiya – na ang bago’y naluluma. Ngunit kasabay nito’y mas itinatanghal ng burita ang lokal na pilosopiya ng parikala – na hindi lahat ng bago ay malakas at hindi lahat ng luma ay mahina. Magandang isipin na ang pagsasa-burita ng mga lokal na pilosopiyang ito’y matalas na naiakma sa organikong proseso ng katawan ng pagluluwal ng hayop at tao: ang parikala ng pagdumi – na itinuring na bastos pagpasok ng mga Kastilang kolonisador.

Kaugnay nito, nang lukuban ng kolonyal na Katolisismo ang bansa, ang mga bugtong sa Pilipinas ay nagkaroon ng epistemolohikal na pagbabagong ipinayungyong ng mga kolonisador sa mga Pilipino. Sa bugtong ng mga taga-Laguna na patungkol sa palay, ang

(3)
Espada ni Hesus,
Magkabila’y matulis

ang dati’y itinuturing bilang agrikultural na ginto ng mga sinaunang Pilipino ay lalakapan ng kolonyal at Katolikong mensahe. Makikitang ang pagbabagong epistemolohikal na ito dahil kung sa kamalayan ng mga sinaunang Pilipino noon ay biyaya ng kalikasan at ng kanilang kasipagan ang mga butil ng palay, sa paglukob ng kolonyal na kaayusan ay matatransporma sa kamalayan ng mga kinolonisa na ang palay ay biyaya ng Katolikong Diyos. Mararamdaman rin sa nasabing pagsasabugtong ng palay ang marahas na bahagi ng kolonyalismong Katoliko – ang malay na pagdidikit ng marahas na sandatang espada sa banal na imahen ni Hesus.

Sa pagkubabaw naman ng mga kolonisador na Amerikano, mapapansing kinakain di lamang ng wikang Ingles kundi ng kaisipang kolonyal maging ang bugtong. Mapupuna ito sa bugtong hinggil sa santol:

(4)
Anong prutas ang mas mataas pa sa araw?

Mapapansing nakatali sa dalawang salitang Ingles ang sagot sa nasabing bugtong: “sun” at “tall.” Malaya ring pumasok maging sa mga bugtong sa bansa ang kolonyal na kulturang dulot ng popular at konsumeristang industriya ng mga Amerikano at Anglo-Amerikano. Masisipat ito sa bugtong tungkol sa zipper:

(5)
Dumaan si Tarzan,
Nahiwa ang daan.

Samakatwid, makikita sa pamamaraang ito kung paanong ginagawang-bugtong o ibinubugtong ang bayan ayon sa mga kaganapang politikal at panlipunan. Ngunit hindi ito nangangahulugan na dahil kontrolado ng mga makapangyarihang dayuhan at lokal na uri at puwersang panlipunan ang kalakarang pang-ekonomiya at pampolitika ng Pilipinas, na nananatiling mapagtimbuwal para sa hegemonikong orden ang larangang pangkultura ng mga Pilipino. Sa katunayan, ang kasaysayan at praktikang pampanitikan sa Pilipinas ay mahigpit na nakasandig sa tradisyong protesta at rebolusyonaryo. Pansinin ang bugtong tungkol sa ulingan o kalang de uling, na may mensaheng anti-kolonyalismong Kastila:

Share This Post

2 Comments - Write a Comment

  1. araw araw namamatay,taun taon nabubuhay..

Comments are closed.