Bu-lat-lat (boo-lat-lat) verb: to search, probe, investigate, inquire; to unearth facts

Volume 2, Number 44               December 8 - 14, 2002            Quezon City, Philippines







Join the Bulatlat.com mailing list!

Powered by groups.yahoo.com

Tula  (Poem)

Ikaw Kasama, at ang Malayang Bukas ay Iisa

Sinag Diwa
 (Cagayan Valley)

 Tunay na dakila ang kaisipang sa ati’y gumagabay

Diwang mapagpalaya sa atin at sa masa

Kaisipang siyang dahilan kung bakit ako’y narito

Habang pinagmamasdan ang iba pang mga kasama

Sa kanilang masigasig na pagkilos…

 

Kaytulin ng panahon,

Kaylan lamang ba nang sinabi mo…

“Sige, kasama, hanggang sa muling pagkikita”

Ngayon, heto uli tayo

Katulad ng mga alon sa dagat na dumadaluyong

At ihinahalik ang pagsikhay sa pampang

…unos ma’y dumatal

 

Ikaw, ang mga kasama, ang masa at ang pakikibaka,

Mga pinakamakabuluhang bagay

Na nangyari sa buhay na ito—

‘Pagkat doon ko napagtantong

Walang saysay ang mabuhay para sa sarili at iilan…

 

Batid kong di pa sapat ang karanasan na aking natamo

Kaylangan pa ng pagpapanday ng panahon

Upang maging isang tulad mo.

Kasama, sa ating pagsikhay sa pinapangarap nating lipunan

Ikampay ang ating mga bagwis

Tulad ng haring ibon sa himpapawid—

 

Patuloy na isulong ang pinakaabanteng kaisipan!

Sumandig at magtiwala sa masa

Bakahin ang sistemang mapanupil at mapagsamantala

Na siyang nagpapahirap sa sambayanan

Tungo sa pagkakamit ng di magmamaliw na liwanag…

Liwanag ng malayang bukas!

 

(Tula ito ng isang estudyanteng kamakailan lamang nagpasyang buong panahong maging organisador pagkatapos maranasan ang bulok na sistema ng edukasyon/pagtuturo gayundin pagkatapos maranasan ang ilang mga pandarahas ng mga pulis sa mga mobilisasyon)

Reposted by Bulatlat.com


We want to know what you think of this article.