This story
was taken from Bulatlat, the Philippines's alternative weekly
newsmagazine (www.bulatlat.com, www.bulatlat.net, www.bulatlat.org).
Vol. IV, No. 43,
November 28 - December 4, 2004
TULA (POETRY)
Uyayi sa Umaga ( ng Sakada )
Ni
Victor Bisperas
Inilathala ng Bulatlat
May
ngiti ang bawat umaga sa bisig na nagpagal
Naghasik
ng binhi at sa lupa’y nagbungkal
Maghapong
trabaho sa bukid ay hindi wari
Lupang
dantaong pinagyaman di pa rin inaari
Hacienda
Luisita pinagyaman ka ng aming Ina’t Ama
Kinabukasan
ng aming mga anak iyo pang isinanla
Pinanday
ng aming kamao ang gumigiling mong makina
Ngayong
ikaw ay namunga panginoon ang nagpapasasa
Sumisingasing
ang punglo bumibistay ng katawan
Kumikitil
ng hininga ng pagal na kalooban
Ang
taumbayang lumalaban nalugmok sa tubuhan
Habang
ang berdugo ay nahihiga sa yaman
Wakasan
ang pagsasamantala ang aming sigaw
kapitbisig
kaming bandila at kamao ay iwinagayway
Ang
lupa mong dantaon dinilig ng luha
at pawis
Babawiin
ng magbubukid kahit dugo ang tumigis
Nobyembre 18, 2004
Bulatlat
© 2004 Bulatlat ■ Alipato Publications
Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.