TULA (POETRY)
Palahaw
(Oda
sa mga nasawing kababayan)
Napakatagal,
Ubod nang tagal;
Ako’y lipos na napapagod
Sa kalalakad sa ilog ng Dupinga
Doon sa bayang Gabaldon, Nueva Ecija.
Nagpaparoo’t parito sa pakiwal-kiwal na
lansangan
Na ang tinutugpa ay ang bayang Dingalan,
Sa tumangwa ng barangay Tanauan
At taluktok ng barangay Caragsacan;
Ang malawak na bundok ng Tapao.
Samuel Bilibit akong pinudpod ang
talampakan,
Sa magubat na Aurorang lalawigan.
May higanteng bulong ang hugong ay maungol,
Nakasusulasok ang sansang ng umaasong usok;
Nang makinang nagpapabara at nagpapatumba
Sa mabibibong troso sa nakatagong paraiso.
Sila’y mabining sinaway,
Nag-anas ng batas na iral;
Hinggil sa kabundukan
Subalit aayaw pasaway.
Wala daw kasing laman ang hungkag na tiyan,
Mas higit ang bubot na bunsong namamangkaw;
Kaya naghunghang at nagsingkaw ng maingay
na bakal
Upang magmanibalang ang suhay ng
dukhang-hakbang.
Subalit ang takda ay takda
Na mayroong Bathala.
Bumulusok ang mahaharot na unos,
Humagok ang ungot ng bundok;
Namiyapis ang dahilig-dalisdis
At nalalos ang tulos na inanod ng agos.
Sinaklot ang lagabog ang kislot ng buyog,
Inagaw ang buhay ng buntong kawan sa
Dingalan.
Ngayon, sila’y pumapalahaw: Nasaan ang
katarungan?
Tata Raul G. Funilas
Dis. 3, 2004
Bgy. Tanauan,
Dingalan, Aurora Province
BACK TO TOP ■
PRINTER-FRIENDLY VERSION ■
COMMENT
© 2004 Bulatlat
■ Alipato Publications Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified. |