TULA
Dalangin ng
Bayan
Ni Dr. Bienvenido Lumbera
Ipagpaumanhin, Panginoong Diyos,
Masa’y nagbabaga sa siklab at poot,
Pinaasa silang bansa’y matutubos
Ng isang Bayaning malinis ang loob.
Umasang eleksiyon ay makalalagot
Sa mahabang lubid ng paghihikahos,
Sa aba nang aba, dinaya nang lubos,
Kanilang Bayani ay biglang nalugmok.
Bunga ng eleksiyong binalu-baluktot
Ay pekeng tagumpay ng Reyna ng Salot.
Laban ng Bayani ay hindi pa tapos,
Patalsikin, Bayan, rehimeng kurakot!
(Binasa sa Misa
sa Santo Domingo Church, Quezon
City, 21 Disyembre 2004)
BACK TO TOP ■
PRINTER-FRIENDLY VERSION ■
COMMENT
© 2004 Bulatlat
■ Alipato Publications Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified. |