TULA (POETRY)
Lumang Bayani,
Bagong Anghel
Ni E. San Juan, Jr.
Posted by Bulatlat
Lumipad
ka na patungong Roma at London
Balisang
nakalingon sa ulap lulan ng naglaboy na panaginip
Lubog sa
alaala ng kinabukasang unti-unting nalulunod
Lumipad
ka na patungong Riyadh at Qatar
Sa pagkamulat
kukurap-kurap sa pagtulog puso'y nagsisikip
Binabagabag
ng sumpang naligaw sa salawahang paglalakbay
Lumipad
ka na patungong Toronto at New York
Tinutugis ang
biyayang mailap nabulusok sa patibong ng banyaga
Sa ulilang
pugad anong maamong pag-asa ang nabulabog
Lumipad
ka na patungong Chicago at San Francisco
Kumakaway ka
pa tiwalang may katuparang babati ng "Mabuhay!"
Alinlangang
luha'y naglambitin sa bahag-hari ng bawat yapos
Lumipad
ka na patungong Hong Kong at Tokyo
"Di kita
malilimot"--pumaimbulog ang tukso ng nabitiwang paalam
Nabakling
pakpak usok sa bagwis inalagwang talulot ng bituing nasunog
Lumipad
ka na patungong Sydney at Taipeh
Ay naku,
anong panganib ng gayumang sa pangarap nagkupkop
Ibon kang
nagpumiglas alay mo'y talim ng paglayang nilalangit
Lumipad
ka, O sintang mahal, ngunit saang kandungan ka lalapag?
Bumabalik sa
dalampasigang hulog ng iyong hinasang pagtitiis
Aking
kaluluwang hiniwa't ikinalat sa bawat sulok ng daigdig.
BACK TO TOP ■
PRINTER-FRIENDLY VERSION ■
COMMENT
© 2004 Bulatlat
■ Alipato Publications Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified. |