Poetry
Good Food, Good Life
By Kayan Liwari
Posted by Bulatlat
Nalalasahan mo ba ang lansa
Ng dugong nanikit na sa labi ng tasa?
Gumuguhit
Sa sikmura ang init
Ng kapeng pinapait ng galit.
Pinupunit
Ang kaluluwa.
Natighaw ba ng binotelyang tubig
Ang uhaw ng tuyo mong bibig?
Humihiyaw
Ang bituka sa hapdi
Ng lasong tahimik.
Pinupunit
Ang kaluluwa.
At nang matunaw ang tsokolate
Sa iyong dila –
Kasabay ng mga langgam na nagpista
Sa iyong tira
Na di na nagawang magngitngit
Sa tsokalateng walang tamis
Walang kibo kayong bumulagta
Sa sahig.
Ah, di mo na kailangan
Ng dalawang punglo sa dibdib.
29 September
2005
Posted by
Bulatlat
BACK TO
TOP ■
PRINTER-FRIENDLY VERSION ■
COMMENT
© 2005 Bulatlat
■
Alipato Publications
Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided
its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.