Bu-lat-lat (boo-lat-lat) verb: to search, probe, investigate, inquire; to unearth facts

Vol. V, No. 34      October 2 - 8, 2005      Quezon City, Philippines

HOME

ARCHIVE

CONTACT

RESOURCES

ABOUT BULATLAT

www.bulatlat.com

www.bulatlat.net

www.bulatlat.org

 

Google


Web Bulatlat

READER FEEDBACK

(We encourage readers to dialogue with us. Email us your letters complaints, corrections, clarifications, etc.)
 

Join Bulatlat's mailing list

 

DEMOCRATIC SPACE

(Email us your letters statements, press releases,  manifestos, etc.)

 

 

For turning the screws on hot issues, Bulatlat has been awarded the Golden Tornillo Award.

Iskandalo Cafe

 

Copyright 2004 Bulatlat
bulatlat@gmail.com

   

Poetry

Isang Malaking Kumpanya ng Kape, Gatas At Tsokolate,

Walang Pangalan

 

Ni Michael Francis C. Andrada

Posted by Bulatlat

 

I.

Nang ibalita ng ABS-CBN ang pagpaslang kay Ka Fort,

tila napaso ang dila ng istasyong nag-aastang

naglilingkod sa sambayanan. Diumano, ang niratrat ng

mga bala ay isang lider-manggagawa ng isang unyong

nakawelga sa planta sa Laguna ng "isang malaking

kumpanya."

 

Magtataka ka pa ba kung bakit matapos ang balita ng

istasyong-tahanan ni Big Brother ay sumunod ang mga

patalastas ng kape, gatas, creamer, at tsokolate ng

Nestle?

 

Anong malaking kumpanya ang walang ipinamumutawing

pangalan?

 

II.

Minsan, may nagsabing hindi naman masama ang

kapitalismo. Na ang kasalanan ng mga kapitalista ay

maikakategorisa bilang "corporate irresponsibility."

 

Minsan, may humabol pa: dapat magpasalamat ang mga

manggagawa sa nasabing malaking kumpanya dahil sila'y

binibigyan ng trabaho. Kahit kakarampot ang suweldo.

Dahil sa hirap ng buhay sa Pilipinas ngayon, masuwerte

na kung maempleyo ka, kahit subkontraktwal.

 

Ngunit ang hindi naililinaw ay ito mismo ang

responsibilidad ng kapitalismo: ang gumanyak ng

mamimili, ang lumikha ng pinakamaraming produkto sa

pinakamurang halaga ng paggawa upang lumikom ng

pinakamalaking kita.

 

Anong malaking kumpanyang kumikita ang walang

ipinamumutawing pangalan?

 

III.

Ang pagkatuso ng kapitalismo ay nagiging sining ng

paghalo sa "reyalidad" ng patalastas: na siyang

dumadaklot sa tao: tulad ng pagkutsarita mula sa

pakete ng instant black coffee patungo sa mainit na

katawan ng tubig: tulad ng pagkutsarita ng Nestle sa

maghapong pagpapakakuba ng mga katutubo, magsasaka't

manggagawa.

 

Sa patalastas, hindi natutunghayan ang reyalidad ng

sistematikong pang-aalipin. Ang tanging nakikita ay

ang panghahagip ni Alex Compton sa babaeng iniirog sa

pamamagitan ng creamer ng isang malaking kumpanya. Ang

tanging nakikita ay ang pagnanais ng sanggol hindi sa

gatas ng sariling ina kundi sa gatas na ikinulong sa

lata.

 

Anong malaking kumpanya ang walang ipinamumutawing

pangalan?

 

IV.

Ito ang kabatiran:

 

Hindi ipinamumutawi ang pangalan ng isang malaking

kumpanya kung nababanlian siya ng mainit na kape, kung

nakukulong siya sa sariling lata ng gatas, sa sariling

plastik na kulungan.

 

Lalo't higit kung may nakalalabas sa lata't plastik na

piitan.

 

Dahil sa kapitalistang sistema, ang manggagawa't

kapitalista'y hindi gatas at kape.

 

Dahil sa kapitalistang sistema, ang hindi nakikita ng

mata, nalalasahan ng dila.

 

Anong malaking kumpanya ang walang ipinamumutawing pangalan?

 

Posted by Bulatlat

 

BACK TO TOP ■  PRINTER-FRIENDLY VERSION  ■   COMMENT

 

© 2005 Bulatlat  Alipato Publications

Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.