This story
was taken from Bulatlat, the Philippines's alternative weekly
newsmagazine (www.bulatlat.com, www.bulatlat.net, www.bulatlat.org).
Vol. V, No. 37, October 23-29, 2005
Ni E. San Juan, Sr.
“Kutob nami’y
dumating na ang interesanteng panahon ng ating buhay
nang mapanood sa
TV ang pambobomba ng tubig
kina Bishop
Labayen, Guingona, Satur at mga mamamayang nagsikap
buhayin ang
karangalan ng Filipino—ano nga ba ang “Filipino”?
Iyan bang
nagtuturo ng direksiyon sa pagbaling ng nguso?
Isang chameleon na
iba’t ibang kulay at hugis, walang sariling kanya,
bumabagay lamang
sa takbo ng Mega-Mall? Samantala sa Camp Bagong Diwa
pinapatay nilang
walang pakundangan ang mga bilanggong Morong pinaratangang terorista ng Abu
Sayyaf, tulad ng mga Pinoy na dineporta--
mukhang terrorista
daw—lagot ka! todas ka! Katukayo mo si Tiger Wood?
kahit ka kumamot
ng ulo’t ideklara mong “Filipino” kang kumakain
ng balut, pinakbet,
dinuguan, bantog sa pagluluto sa White House--
Sa pambubusabos at
pagmamalupit baka walang hihigit sa ‘tin--
Di ba nasaksihan
ito sa pagmamalabis ng diktaduryang Marcos? at ngayon
pasistang sundalo
ni Col. Palparan, pulis at vigilanteng berdugo ng may poder?
bagama’t bayarang
piyon lamang tayo sa Guantanamo at Abu Ghraib
marunong tayong
mag-ingles-ingles, tenk yu beri mats!
Sabi nga ni Miss
International L. Quigaman, kahit OCW o DH lamang
ang lahi nati’y
likas na mapagkandili’t masuyuin, “nanny”-ing ultra-superyor
kaya dapat
ipagkapuri ang Filipinong masunurin at mapaglingkod—
Anong tagumpay ng
ilanlibong Sarah Balabagan at Flor Contemplacion
Kaya lumipad na
tayo kahit walang glorya roon at pagkaisip-isipin
sa London, Roma,
Riyadh, Los Angeles, Tokyo, Hong Kong, Singapore
sa lambing ng
pagsisilbing walang imik, sapat na ba ang lambong
Ng
konsuwelo-de-bobong nilulunok, koronang kaybigat sa ulo,
O pagtutol sa
ordeng malupit sa lahing masuyuin at mapagkandili,
malaya’t wala, Oo,
‘pare, walang among sinusunod o susunurin…”
Posted by Bulatlat © 2005 Bulatlat
■
Alipato Publications Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.
TULA
(POETRY)
Bago Ideklara ang “Emergency Rule” ng Diktaduryang Arroyo
Posted by Bulatlat
Ihabol lamang ang
pakulo ng makulit kong ‘pare sa New York City, texting via cellphone:)