TULA
(POETRY)
Masaker sa Mendiola: Enero 22, 1987
BY
E. SAN JUAN, Jr.
Posted by Bulatlat
Lubhang makulimlim
di maabot-tanaw
unti-unting
nagkakahugis
anino ng 13 magbubukid
Pinaslang ng militar ng rehimeng Cory
Aquino
saksi dito ang 80 mamamayang sugatan at
taumbayang nakilahok
Umabot dito sa “sikmura ng hayop” ang
nagtatanong na tinig nina
Letty Arias
Carol Araullo Liza Masa….at masang
nakikibaka
Mula sa pusod ng karimlan unti-unting
tumutugon sina
Macliing Dulag
Bobby de la Paz
Lean Alejandro Danilo Arjona
Diosdado Fortuna
Ricardo Ramos….at masang nakilahok
Humihirit ang baril sa Hacienda Luisita,
sumisingasing ang kwarta ng bayang
kinurakot ng Malakanyang….
Paano
Oo, paano nga maipapaliwanag ang krimen ng
mga uring nagsasamantala?
Sandali lamang—
Abot-tanaw na
tumatagos sa karimlan ang hirit-ganti
sa lilim ng bandila ng pulang mandirigma
Unti-unti
Abot-tanaw na natin
ang liwanag ng sumabog na
utak at dugong dumanak
sa larangan ng digmaan
sa Mendiola
noong Enero 22, 1987.
The new book of E. San Juan, Jr. is a
collection of new poems, Sapagka’t Iniibig Kita published by the
University of the Philippines Press. Aside from this, he has two other
recent books titled Himagsik: Tungo sa Mapagpalayang Kultura (De La Salle
University Press) and Tinik sa Kaluluwa at Iba pang Kuwento (Anvil
Publishing).
Posted by
Bulatlat
BACK TO
TOP ■
PRINTER-FRIENDLY VERSION ■
COMMENT
© 2006 Bulatlat
■
Alipato Publications
Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided
its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.