This story
was taken from Bulatlat, the Philippines's alternative weekly
newsmagazine (www.bulatlat.com, www.bulatlat.net, www.bulatlat.org).
Vol. VI, No. 1, February 5-11, 2006
TULA (POETRY)
Pulitiko, Sundalo at
Boksingero
BY RAUL FUNILAS
Posted by
Bulatlat
Ako ay may komento,
Pakinggan ang kuwento;
Tungkol sa pulitiko
Sundalo't boksingero.
Si Gunggong pulitiko,
Ang gawa ay manggulo;
Kaya nag-alburuto
Ang isang laksang gago.
Nagmarkulyong sundalo,
Nag-Oakwood ang Magdalo;
Natakot ang may trono
At sumakit ang ulo.
Sa Nevada'y dumayo,
Sikat na boksingero;
Buntot ang pulitikong
Nag-Tong-Its sa casino.
Nang magkamp'yon sa mundo
Ang lantay ang kamao,
Ang crime rate daw-- nag-zero
Nahinto'ng eksplosibo
Ng kaliwang alyado;
Umupo sa bangkito't
Pinanood ang g'wapong
Nagpahinto ng gulo.
Gagawin daw na santo
Si Pacquiao na idolong
Papagitna sa gulo
Ng mga sira-ulo.
Ang galing-galing ninyong
Nariyan sa palasyo,
Saan papunta'ng tao
Sa kanyang pagkahilo?
Enero 24, 2006
Raul Funilas is a member of the Neo-Angono
Artists Collective, Inc., Bigkis Sining Binangonan and the band Bandolero.
Posted by
Bulatlat © 2006 Bulatlat
■
Alipato Publications Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.