TULA (POETRY)
Sabwatan sa Kataksilan? Sabat Natin:
Hustisya Muna!
NI E. SAN JUAN, JR.
Inilathala ng Bulatlat
(Komunikasyon mula kay Mr.
Laong-Laan, OFW, para kay Ka Crispin Beltran, bilanggo ng administrasyong
Arroyo)
“Bilang Commander-in-Chief, kontrolado
ko’ng sitwasyon—”
“Babala ko, babagsak ang buong bigat
ng batas—“ Aruy ko po!
Lumalaon bumubuti
sumasama kaysa dati
Wa epek ang dakdak sa “kuta ng
pagsasakripisyo’t pagmamalasakit”
Bukas kung makalipas, sa Linggo kung
makalagpas
Lumalaon bumubuti
sumasama kaysa dati
Pakulo ng Estado’y gusto raw ang
Cha-Cha ng bawat barangay—
Bawat lagdang ini-“lagay” ay dyenwain,
walang dagdag-bawas, alam mo na
Lumalaon bumubuti sumasama kaysa dati
Kung bilib ka sa buladas ng rehimen,
bakit kailangan pa ang PP 1017?
Kahit wala kang imik pero maka-Bayan
Muna huhulihin ka’t papatayin
Lumalaon bumubuti sumasama kaysa dati
Bumubwelo pa lang ang armadong masa sa
Davao, Samar at Isabela
Umaarangkada na ang pulis-militar sa
pagbawal at pagbomba sa mga demonstrador
Lumalaon bumubuti sumasama kaysa dati!
Bakit ipagbibili ang likas na yaman ng
bansa sa korporasyong dayuhan
Kung mataas na ang piso, tenk yu beri
mats sa pawis ng sampung milyong OFW?
Lumalaon bumubuti sumasama kaysa dati?
May konting alingasngas sa Washington,
aprub na ang Anti-Terrorism Bill
Pakilusin muli ang Abu Sayyaf, abangan
ang susunod na kabanata
Lumalaon bumubuti sumasama kaysa dati, aray--
Kaya OK lang ang sabwatan ng
Malakanya’t Kano’t negosyanteng kriminal
Payag ka pa ba? Labis na ang
sangkatutak na pambubusabos at pangungurakot
Lumalaon lumalala kung ang kasamaa’y
di pipigilin
Lumalaon sumasama kung ang sambayana’y
sinisiil, ginigipit
Tigil na ang sabwatan! Hustisya muna!
Walang glorya sa kawalang-hiyaan!
Posted By Bulatlat
BACK TO
TOP ■
PRINTER-FRIENDLY VERSION ■
COMMENT
© 2006 Bulatlat
■
Alipato Publications
Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided
its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.