This story
was taken from Bulatlat, the Philippines's alternative weekly
newsmagazine (www.bulatlat.com, www.bulatlat.net, www.bulatlat.org).
Vol. VI, No. 11, April 23-29, 2006
Sabwatan sa Kataksilan? Sabat Natin:
Hustisya Muna! NI E. SAN JUAN, JR. (Komunikasyon mula kay Mr.
Laong-Laan, OFW, para kay Ka Crispin Beltran, bilanggo ng administrasyong
Arroyo) “Bilang Commander-in-Chief, kontrolado
ko’ng sitwasyon—” Lumalaon bumubuti
sumasama kaysa dati Wa epek ang dakdak sa “kuta ng
pagsasakripisyo’t pagmamalasakit” Lumalaon bumubuti
sumasama kaysa dati Pakulo ng Estado’y gusto raw ang
Cha-Cha ng bawat barangay— Kung bilib ka sa buladas ng rehimen,
bakit kailangan pa ang PP 1017? Bumubwelo pa lang ang armadong masa sa
Davao, Samar at Isabela Bakit ipagbibili ang likas na yaman ng
bansa sa korporasyong dayuhan May konting alingasngas sa Washington,
aprub na ang Anti-Terrorism Bill Kaya OK lang ang sabwatan ng
Malakanya’t Kano’t negosyanteng kriminal Lumalaon lumalala kung ang kasamaa’y
di pipigilin Tigil na ang sabwatan! Hustisya muna!
Walang glorya sa kawalang-hiyaan! Posted By Bulatlat © 2006 Bulatlat
■
Alipato Publications Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.
Inilathala ng Bulatlat
“Babala ko, babagsak ang buong bigat
ng batas—“ Aruy ko po!
Bukas kung makalipas, sa Linggo kung
makalagpas
Bawat lagdang ini-“lagay” ay dyenwain,
walang dagdag-bawas, alam mo naLumalaon bumubuti sumasama kaysa dati
Kahit wala kang imik pero maka-Bayan
Muna huhulihin ka’t papatayinLumalaon bumubuti sumasama kaysa dati
Umaarangkada na ang pulis-militar sa
pagbawal at pagbomba sa mga demonstradorLumalaon bumubuti sumasama kaysa dati!
Kung mataas na ang piso, tenk yu beri
mats sa pawis ng sampung milyong OFW?Lumalaon bumubuti sumasama kaysa dati?
Pakilusin muli ang Abu Sayyaf, abangan
ang susunod na kabanataLumalaon bumubuti sumasama kaysa dati, aray--
Payag ka pa ba? Labis na ang
sangkatutak na pambubusabos at pangungurakot
Lumalaon sumasama kung ang sambayana’y
sinisiil, ginigipit