TULA (POETRY)
Uyaying
Naghahanap ng Radikal na Kantor
NI E.
SAN JUAN, JR.
Inilathala ng Bulatlat
Tulog na, bunsong sinta, sayang lang ang
luha mo
Ang ina mo’y malayo’t sumugod na sa dilim
Hanap mo’y dating tamis sinisipsip
hinihigop
Meme na, bungangang humihikbi’t nakanganga
Kundi’y isisilid ka sa gusit kapalit mo’y
salapi
Di naman masundo’t nanupol daw ng sampaga
Tulog na, dilang uhaw, ina mo’y naligaw
tila
Saan nakahain ang dibdib susong
nakalantad
May putik sa pisngi may balaho sa
sinapupunan
Meme na, labing tigang, nilalang na
nilinlang
Isisilid ka sa bumbong kapalit mo’y
bagoong
Dalamhati’y ingawa ina mo’y napariwara
Tulog na, ngiping bungi, sumisingasing sa
silong
Kakilakilabot na hayop alagang bumangis
Sa pakikihamok ina mo’y hinuli’t hinuthot
Meme na, bunsong uhugin, malaki ang
sisidlan
Lawit ang tumbong pasang-krus ibulong sa
hangin
Sandok nakasuksok palayok nakataob
Gising na, bunsong madungis, humabi ng
bagong uyayi
Manupol ng pulbura’t isabog sa marangyang
alta
Gusi’t bumbong ay bawiin kamusmusa’y isuka
Taas noo’t kabakahin ngitngit-sungit ng
panahon
Inilathala ng Bulatlat
BACK TO
TOP ■
PRINTER-FRIENDLY VERSION ■
COMMENT
© 2006 Bulatlat
■
Alipato Publications
Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided
its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.