TULA
(POETRY)
Anak ng Pungapong
NI
ROMMEL PIPOY LINATOC
Inilathala ng Bulatlat
“Anak ng pungapong”
ang madalas mong sambitin
Sa katuwaan, sa pagkalimot, at
pagkakamali.
Ugat sa iyong binti, minsan kong
binati
Magiliw kang tumugon kasabay ang
pag-ngiti.
Sulat kamay mo ay mahirap
basahin
Ngunit naglalaman ng dalisay
na hain
Kapag ikaw ay nangungusap,
mga mata mo’y kumiskislap
Bawat diin ng iyong tinig,
balaraw ang tumbas na titik.
Lalim ng iyong hininga,
katumbas ay matibay na pasya
Paglingkuran ang sambayanan ,
hindi ang iilan
Isa ka sa tumugon sa tawag ng
pangangailangan
Di inalintana ang sariling
kapakanan.
Mga buwitreng hayok sa dugo
at laman
Nagpiyestang nagpaulan ng
bala ng kasakiman.
Basyo ng bala, ginawang
pantasya
Naghuhugas-kamay ang
gobyernong Glorya
Ulol na ulol ang mga pasista
Sa pagsunod sa ulupong ganid
at mapagsamantala
Ang damong pungapong
ay masangsang ang amoy
Tulad ng Malacañang,
nabubulok ang kalamnan.
Para sa iyo Kuya Noli, isang
taas-kamao!
Sa mabuway naming pananaw,
ikaw ay aming tanglaw.
Mga taong iyong
pinaglingkuran, hindi namin tatalikuran.
Sariling tintangkilik, aming
ilalaan para sa bayan
Matuwid na pasya ay aming
tataglayin.
Ang diwa ng kalayaan ganap na
pag-aalabin.
Mga pungapong
ay aming gagapasin
Gagawing pataba ng lupang
maasim.
Walang humpay, patuloy kaming
sisikhay
Mga anak ng pungapong
ay aming uusigin.
Rommel
Pipoy Linatoc- University of Winchester (Migrante-UK)
Inilathala ng Bulatlat
BACK TO
TOP ■
PRINTER-FRIENDLY VERSION ■
COMMENT
© 2006 Bulatlat
■
Alipato Publications
Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided
its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.