This story was taken from Bulatlat, the Philippines's alternative weekly newsmagazine (www.bulatlat.com).
Vol. VI, No. 19, June 18-24, 2006


 

 

TULA (POETRY)

Kung Sino ang Pumatay kay Rapu-Rapu

NI MARK ANGELES

Inilathala ng Bulatlat

Hindi si Magellan.
Hindi ang kusinero.

Tanungin mo ang mga anak ni Ibalon.

Naglalagos na ang lason
ng asoge, sayanayd at iba pang metal;

sagpang ang mga daluyan ng tubig.

Lumulutang ang mga isda
sa bumubulang lapot ng kimikal.

Namamaligno ang mga bagong-silang.

Nagnanaknak ang balat ng mga lokal
at isang baranggay na ang may kanser.

Sino ang pumatay kay Rapu-Rapu?

Hayu’t humahagikhik ang mga impakto
ng Lafayette Mining habang minamasdan

ang walang-kabusugang si Angelo Reyes –

nakasiksik sa laylayan ng mga poderoso;
binubusalan ng salapi ang sariling bibig.


Si Mark Angeles, dating vice president for Luzon ng College Editors Guild of the Philippines, ay miyembro ng Kilometer 64, isang grupo ng mgas progresibong makata. Naging fellow siya ng IYAS at Iligan National Writers Workshop ngayong taon.

 

© 2006 Bulatlat  Alipato Publications

Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.