This story
was taken from Bulatlat, the Philippines's alternative weekly
newsmagazine (www.bulatlat.com).
Vol. VI, No. 22, July
9-15, 2006
Si Pacquiao
NI KAREN PAPELLERO
Bulatlat
Si Pacquiao
At ang kanyang laban. Bow.
Ang Pinoy, pagkatapos mag-akyatan,
Nag-suntukan na naman.
Si Manny
At ang kanyang movie.
Bow.
Pagkatapos mag-unahan sa tuktok,
Sa pilahan na naman and udyok.
Si Pacquiao
At ang kanyang commercials.Bow.
Pagkatapos ng chicken at beer,
Para sa ubo, sa sakit ng katawan
Para sa videoke, sa cellphone, sa dugo
Kahit sukang panluto.
Si Pacquiao
At ang kanyang album. Bow.
Platinum na yata.
Baka pwedeng pambatok
Kasama ng kanyang
Sinturong hindi masuot
Panuntok
Sa Mexicanong si Larios.
May rematch talaga, sabi ng dayuhan.
Sige, sabi ng mga taga-TV
Para magpa-promo naman
Ng text at tiket at insider primer
Gabi-gabi, sa hindi pa ang laban.
Kasi, si Pacquiao ‘yan, e,
At ang kanyang laban.
Ay laban daw natin.Bow.
‘Wag nang mag-alala o mag-abala
sa banta ng cha-cha at ni Gloria.
Let’s move on na daw, sabi nila.
Mula Batasan, doon na tayo sa bakbakan.
Sa Coliseum sa Araneta.
Siguro, ceasefire sa bundok,
Basta may radio o TV.
Sa Batanes o kahit anong sulok
Sa Spratlys o sa Tawi-tawi.
Eh, paano na ang 1 billion
Para pantupok sa rebelde?
Utos pa naman yan ni Ma’am Presidente.
Ipampusta na lang kaya muli kay Manny?
Siguro nga,
Basta si Pacquiao
Tigil lahat.
Para mapanalo niya ang laban.
At upang siya naman ay matawagan
Ng peke na taga-Malacañang,
At marinig ang kahindik-hindik
Na tinig ng kawatan:
Hello, hello Manny?
Siguro, kaya message na lang sa TV
Ang kanyang pagbati
Upang hindi na muling matulad
Sa nangyari kay Garci.
Bulatlat
© 2006 Bulatlat ■ Alipato Media Center
Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.