Bu-lat-lat (boo-lat-lat) verb: to search, probe, investigate, inquire; to unearth facts

Vol. VI, No. 24      July 23 - 29, 2006      Quezon City, Philippines

HOME

ARCHIVE

CONTACT

RESOURCES

ABOUT BULATLAT

 

Google


Web Bulatlat

READER FEEDBACK

(We encourage readers to dialogue with us. Email us your letters complaints, corrections, clarifications, etc.)
 

Join Bulatlat's mailing list

 

DEMOCRATIC SPACE

(Email us your letters statements, press releases,  manifestos, etc.)

 

 

For turning the screws on hot issues, Bulatlat has been awarded the Golden Tornillo Award.

Iskandalo Cafe

 

Copyright 2004 Bulatlat
bulatlat@gmail.com

 

   
TULA (POETRY)

Ambahan sa Pagkamanhid

NI ROBERTO OFANDA UMIL

Inilathala ng Bulatlat


Ang pambansang pangako
Ng pambansang pinuno
Ay trabahong pangsuyo
Sa milyong panay kibo
At walang maisubo,
Umay sa pagtalungko
Ang katwirang nagturo.

Dahil kristal na basag
Ang pag-asang matupad:
Sa mayaman ang takad
Ng malalaking tipak;
Ang salubsob ng tilad
At bubog ng pag-unlad
Ay sa ‘ting mahihirap.

Sa siglong kabihasna’y
Lumot sa kagubatan,
Sa syudad ay kalawang
Ang ganyang gawi’t asal,
Halagahan ng linlang,
Moral ng kasakiman
At pustura ng bugaw.

Tingnan ang halimbawa
Ng kanyang pagpasasa:
Nagpresenta ang dila
Ng patawad sa madla
Dahil di raw nandaya,
Ang pilit ng tiwala
Ay kumapal sa mukha;

Ang lehitimong tutol
Sa kanyang proposisyon
At sa implementasyong
Pagahasa sa nasyon
Ay destabilisasyon
Ang ‘binansag sa sumbong,
Kinubkob ng batalyon.

Marahas, sinungaling
Ang kultura ng lider
Ay ipinapahayag
Sa dyaryo at magasin,
Sa TV at kompyuter,
Sa radyo’y mataginting
Ang pambansang papansin.

Siya ang minodelo
Nilang taga-LGU
Sa latag ng serbisyo
Sa karaniwang tao,
Pakinabang ay buro,
Caviar sa elitismo,
Kaugaliang loko.

Sino’ng di magagalit,
Sino’ng di mag-iisip,
Sino’ng di mag-aarnis
Sa panahong balasik
Ang tupad nilang pulis
Sa tibak at journalists,
Laban sa pagkamanhid.

At tayong mamamayan
Sa gitna ng pagpaslang
At kasinungalingan,
May pailingiling lang
At may naninindigan,
Sa utak ang hidwaan
Ng walang pakiramdam.

Inilathala ng Bulatlat

 

BACK TO TOP ■  PRINTER-FRIENDLY VERSION  ■   COMMENT

© 2006 Bulatlat  Alipato Media Center

Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.