Bu-lat-lat (boo-lat-lat) verb: to search, probe, investigate, inquire; to unearth facts

Vol. VI, No. 24      July 23 - 29, 2006      Quezon City, Philippines

HOME

ARCHIVE

CONTACT

RESOURCES

ABOUT BULATLAT

 

Google


Web Bulatlat

READER FEEDBACK

(We encourage readers to dialogue with us. Email us your letters complaints, corrections, clarifications, etc.)
 

Join Bulatlat's mailing list

 

DEMOCRATIC SPACE

(Email us your letters statements, press releases,  manifestos, etc.)

 

 

For turning the screws on hot issues, Bulatlat has been awarded the Golden Tornillo Award.

Iskandalo Cafe

 

Copyright 2004 Bulatlat
bulatlat@gmail.com

 

   
TULA (POETRY)

Doon Po sa Amin (Dung-aw na Awit sa SONA ni Gloria)

NI RICHARD R. GAPPI
Inilathala ng Bulatlat

Doon po sa amin, Perlas ng Silangan

Nagsayaw ang hip-hop ng ska at slam dance

Kumanta ang mga pipi kasingtono ng CBCP

Sumali na rin pati mga businessman na bingi

Promotor ang mga tulad ni Donald Dee.

 

Koro:

 

(Ayayayayayayayay!

Ayayayayay! Aray! Aray! Aray!)

 

Doon po sa amin, ang mga kongresman

Hindi daw nila papatulan

Impeachment na latag ng bayan

Kahit di pa nila nasisilip

First page ng complaint sheet

Pero kanila nang naririnig

Kalansing ng sobre ng Malakanyang

Kaya pinilay nila, kapakanan ng bayan

Napipi at nabulag ang katotohanan

Ang may kasalanan naman, nagbibingi-bingihan.

 

Ulitin ang Koro

 

Doon po sa amin, Perlas ng Silangan

Mabait ang AFP at ang PNP

Maximum tolerance, policy nila sa rali

Ng mga pro-GMA na kumukunsinti sa tiwali

Kaya nga nang kakanta na sina Gudani

Para siyang videoke na napundi

Inagawan siya ng mike upang mapipi

Nandayang boses nina Gloria at Garci.

 

Ulitin ang Koro

 

Doon po sa amin gobyerno’y maparaan

Nagtuturo sila ng paghahanap ng buhay

Kaya dinudukot nila -- mga journalist at activist

Upang pamilya nila’y mainis, mainip,

At matutong maglaro ng hide-and-seek.

 

Ulitin ang Koro

 

Doon po sa amin, Perlas ng Silangan

Ang mga mamamayan

Hindi bulag, pipi at bingi ang kamalayan

Ayaw nilang demokrasya’y mapilay

Kaya nagmamartsa sila sa lansangan

Sa mga bibig bumubukad, matimyas na paglaban

At sa militanteng pagkilos para sa bayan

Sasalubungin sila, liwanag ng tagumpay.

 

(Ulitin ang huling saknong)

Inilathala ng Bulatlat

 

BACK TO TOP ■  PRINTER-FRIENDLY VERSION  ■   COMMENT

© 2006 Bulatlat  Alipato Media Center

Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.