Welga sa
Mendiola
NI
REY TAMAYO, JR.
Inilathala ng Bulatlat
Welga…Welga…Welga… laging sa kalsada,
Hudyat ng suporta sa kilos-protesta
Ang mga welgista nagtungong Mendiola.
Kan’lang kinundena itong pulitika,
Presidente Gloria dapat ibasura
Welga…Welga…Welga…laging sa kalsada.
Mga aktibista anupa’t may gera
Dala’y bandila, mga karatula
Ang mga welgista nagtungong Mendiola.
At ng mamahala si Pangulong Gloria
Maraming umalma; baya’y umapela
Welga…Welga…Welga…laging sa kalsada.
Nang aking makita dalawang puwersa,
Panig ng pulisya’t grupong maka-masa
Ang mga welgista nagtungong Mendiola.
Suntok, tadyak, sipa kapalit ang laya
Ang bilanggong madla nais makawala;
Welga…Welga…Welga…laging sa kalsada
Ang mga welgista nagtungong Mendiola.
Inilathala ng
Bulatlat
BACK TO
TOP ■
PRINTER-FRIENDLY VERSION ■
COMMENT
© 2006 Bulatlat
■
Alipato Media Center
Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided
its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.