Bu-lat-lat (boo-lat-lat) verb: to search, probe, investigate, inquire; to unearth facts

Vol. VI, No. 28      August 20 - 26, 2006      Quezon City, Philippines

HOME

ARCHIVE

CONTACT

RESOURCES

ABOUT BULATLAT

 

Google


Web Bulatlat

READER FEEDBACK

(We encourage readers to dialogue with us. Email us your letters complaints, corrections, clarifications, etc.)
 

Join Bulatlat's mailing list

 

DEMOCRATIC SPACE

(Email us your letters statements, press releases,  manifestos, etc.)

 

 

For turning the screws on hot issues, Bulatlat has been awarded the Golden Tornillo Award.

Iskandalo Cafe

 

Copyright 2004 Bulatlat
bulatlat@gmail.com

   

TULA (POETRY)

Buntot

NI ROSELLE PINEDA
Inilathala ng Bulatlat

Maliwanag ang mga mata sa dilim
Dilaw ang kulay ng kanyang mga lihim
Matalas ang pandinig
Dugo ang kapalit ng kanyang mga titig

Kung magaan ang mga yapak
Sa anino nakakahanap ng lakas ang kanyang mga pakpak
Kung mabigat naman at malakas ang mga yabag
Pagkitil ng buhay ang dala niyang mga bagabag

Minsa'y tahasan ang pakikipag-usap
Ang iba nama'y mangingibig na nagaapuhap
Eskuwelahan, simbahan, maging bahay-aliwan
Walang pinipiling lugar kung ika'y bubuntutan

May iwing pangamba
Ang lahat ng pagkilala
May iwing pagtatala
Ang bawat pagtitiwala

Haplos ng kaibigan
Halik ng kasintahan
Yakap ng magulang
Kauri, kalahi, kabaro, kasama
Walang pinipiling damdamin
Ang paglilista

Mag-ingat sa mga matang dilaw sa dilim
Sasakmal ang pangil ng traydor pagkagat ng takipsilim
Isa na namang pangalan ang guguhitan ngayong gabi
Habang ang iba pa'y magpapatuloy ng laban hanggang pagwawagi!

Inilathala ng Bulatlat

                                                                 

BACK TO TOP ■  PRINTER-FRIENDLY VERSION  ■   COMMENT

© 2006 Bulatlat  Alipato Media Center

Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.