This story
was taken from Bulatlat, the Philippines's alternative weekly
newsmagazine (www.bulatlat.com).
Vol. VI, No. 28, Aug.
27-Sept. 2, 2006
Stolen Shots NI MARK
ANGELES
Tinawag nilang camera
obscura,
"babasaging salaming may
alaala"
ang maysa-de-gulat na
makinang
dumudukot ng mga kaluluwa.
Ibinababad ang huwad na
liwanag
sa nakayukyok na birheng
kambas.
Doon naglalatak ang
mantsa
ng gutom, sakit, at
giyera…
Mahihirati sa
pagkaabstrakto
ang dayukdok na potograpo,
kaya ihihilera ang mga
biktima
(sa black & white,
minudensiya'y
mga lagas na aparato).
Titimbuwang
ang tutugon, sa senyas ng
kanyang ngalan.
(Habang
sinusulat ito, mahigit 700 sibilyan na ang napatay sa ilalim ng pasismong
Arroyo.)
Inilathala ng Bulatlat © 2006 Bulatlat
■
Alipato Media Center Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.
Inilathala ng Bulatlat