Por Dios por Santo (Por Dies
Porsiyento)
NI RAUL FUNILAS
Inilathala ng
Bulatlat
Por dios por santo naman,
Ano na ba’ng nangyayari sa ating bayan?
Ganito na lamang, ganire na lamang ang
lamangan
Kahit saang departamento ng pamahalaan.
Ang sabi nila'y nangaglilingkod,
Por dios por santo! himig nakalulugod.(At
nakasusulasok!)
Ang problema, lahat ng ahensiya…
nangangungurakot…
Lahat yata e por dies porsiyento! Ang
kapal ng mga apog.
Nakupo! Saan na papunta ang bayan 'tang
Filipinas?
Gahis na ang hiya ng mga ‘alanghiyang
kumag.
Ano na ang sasabihin ng ating sisibol na
lahi?
Papaano natin ipaliliwanag na tayo'y
nagapi –
Oo, na di natin nakayang labanan ang mga
budhi
Na ‘singkakapal ng pader doon sa
Malakanyang na gusali?
Setyembre 12, 2006
Inilathala ng Bulatlat
BACK TO
TOP ■
PRINTER-FRIENDLY VERSION ■
COMMENT
© 2006 Bulatlat
■
Alipato Media Center
Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided
its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.