This story was taken from Bulatlat, the Philippines's alternative weekly newsmagazine (www.bulatlat.com).
Vol. VI, No. 32, Sept. 17-23, 2006


 

TULA (POETRY)

Por Dios por Santo (Por Dies Porsiyento)

 

NI RAUL FUNILAS

Inilathala ng Bulatlat

 

Por dios por santo naman,

Ano na ba’ng nangyayari sa ating bayan?

Ganito na lamang, ganire na lamang ang lamangan

Kahit saang departamento ng pamahalaan.

Ang sabi nila'y nangaglilingkod,

Por dios por santo! himig nakalulugod.(At nakasusulasok!)

Ang problema, lahat ng ahensiya… nangangungurakot…

Lahat yata e por dies porsiyento! Ang kapal ng mga apog.

 

Nakupo! Saan na papunta ang bayan 'tang Filipinas?

Gahis na ang hiya ng mga ‘alanghiyang kumag.

 

Ano na ang sasabihin ng ating sisibol na lahi?

Papaano natin ipaliliwanag na tayo'y nagapi –

Oo, na di natin nakayang labanan ang mga budhi

Na ‘singkakapal ng pader doon sa Malakanyang na gusali?

 

Setyembre 12, 2006

 

Inilathala ng Bulatlat

 

© 2006 Bulatlat  Alipato Media Center

Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.