This story
was taken from Bulatlat, the Philippines's alternative weekly
newsmagazine (www.bulatlat.com).
Vol. VI, No. 33, Sept.
24-30, 2006
NI MARK ANGELES
Inilathala ng Bulatlat Pag-expire
ng century,
tulog pa rin si Brady.
Pinapak na ng mga uod mga
utusan at tanod sa
tore ng cadena de amor kung
saan siya nalugmok.
Tulog pa rin si Brady, pag-expire
ng century.
Binagtas na ang tunnel of light ng
reynong ermat at erpat.
Kaharian ay umusad
habang tuloy ang paninigas. Pag-expire
ng century,
tulog pa rin si Brady.
Prince charming na hinintay, sa
biyahe ay naligaw.
Nag-stopover sa birhaws at
kinilaw ang lumbay.
Tulog pa rin si Brady, pag-expire
ng century. Sa
mga kamara ay maririnig, ebb
and flow ng hilik.
Panay-panay ang panaginip ng
mga hinayang at hibik. Pag-expire
ng century,
tulog pa rin si Brady. Mga
dragon at armadilyo,
alaga ng kaaway sa ibayo,
handa nang ipambayo sa
payapa nilang kastilyo.
Tulog pa rin si Brady, pag-expire
ng century. Pero
nang dugo ay bumaha at
moog ay masawata,
kinontra ni Brady ang sumpa at
napukaw siya bigla.
Inilathala ng Bulatlat © 2006 Bulatlat
■
Alipato Media Center Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.
Brady Cardia