This story
was taken from Bulatlat, the Philippines's alternative weekly
newsmagazine (www.bulatlat.com).
Vol. VI, No. 36,
Oct.
15-21, 2006
Pagtatapat ng Patalim na Nagkamalay* NI BIENVENIDO LUMBERA Ako
nga po ang berdugong patalim. Sugo
ako upang salaksakin Kung
saang bahagi ng kalooban
Nakatanim ang paninindigang
Palaban sa naghahari-harian.
Hamak na metal lamang ako,
Makinang, matigas, matalas,
Walang utak, sunud-sunuran Sa
wala ring utak na bayarang kamay
Pinakinang ng salaping hinuthot sa bayan,
Pinatigas ng matinding pagsasalat ng kabuhayan,
Pinatalas ng katusuhan ng nasa kapangyarihan.
Makailang ulit kong nilaslas ang mga himaymay ng laman Ng
alagad ng Diyos, at sa ikapitong ulos, bumulwak Ang
diwang sumuhay sa inaping magsasaka ng Hacienda Luisita, Ang
tapang na tumutol sa pandaraya’t panlilinlang Na
nagluklok sa Presidente sa Malakanyang, Ang
poot na kumondena sa pamamaslang Ng
mga mamamayang ayaw pasindak Sa
pasistang pamahalaan. At
milagrong may kamalayang
Bumaon sa bakal kong kalikasan
Dugong pinabulwak ay mantsang tumina Sa
metal, tumiim sa lamig ng aking talim,
Kusang isinulat sa pader ng palasyo,
“Bilang na ang araw ng mga berdugo.”
Isang umaga, sisigwa ng luha ang kalangitan,
Hahabagat ang papawirin, malulusaw ang lagim, At
babangon ang liwayway na nagluluningning.
Kamay ng Diyos ang siya namang huhugot sa akin,
Gagabay sa talim ng paghihiganting gugunaw Sa
kapangyarihang ninakaw ng alagad ng dilim, At
ang dugong dadanak ay sisigaw,
“Alberto Ramento, bubuhayin kang muli ng sambayanan!” *Binasa
sa parangal na isinagawa ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) kay Obispo Maximo
IX Alberto Ramento sa IFI National Cathedral noong Oktubre 11, 2006
Si Bienvenido Lumbera ay Pambansang Alagad ng Sining ng Panitikan, 2006. Inilathala ng Bulatlat © 2006 Bulatlat
■
Alipato Media Center Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.
(Sa alaala ng Obispo Maximo Alberto Ramento ng Iglesia
Filipina Independiente)
Inilathala ng Bulatlat