Bu-lat-lat (boo-lat-lat) verb: to search, probe, investigate, inquire; to unearth facts

Vol. VI, No. 38      Oct. 29 -Nov. 4, 2006      Quezon City, Philippines

HOME

ARCHIVE

CONTACT

RESOURCES

ABOUT BULATLAT

 

Google


Web Bulatlat

READER FEEDBACK

(We encourage readers to dialogue with us. Email us your letters complaints, corrections, clarifications, etc.)
 

Join Bulatlat's mailing list

 

DEMOCRATIC SPACE

(Email us your letters statements, press releases,  manifestos, etc.)

 

 

For turning the screws on hot issues, Bulatlat has been awarded the Golden Tornillo Award.

Iskandalo Cafe

 

Copyright 2004 Bulatlat
bulatlat@gmail.com

   

DAGLI SA KRISIS
Kailan Uuwi ang Bangkay ni Attorney Pahilga?

Katotohanan na namumuhay tayo sa walang panahong pagkatakot at karahasan.  Katotohanan na patuloy ang pag-igting ng pasismo ng estado, sa suporta ng imperyalismo ng U.S. Katotohanan na lahat naman tayo ay mamamatay.  Katotohanan na ang tunay na buhay ay sa pakikibaka. Katotohanan na kaisa ng indibidwal na nakikibaka ang masa at kilusang kanyang ibinabaka. 

NI ROLAND TOLENTINO
Bulatlat

                Kinilabutan ang pamilya ni Jobert Pahilga sa tanong ng isang tambay sa tiyahin nito. Uuwi naman talaga si Pahilga para sa anibersaryo ng kamatayan ng kanyang ama.  Si Pahilga ang executive director ng SENTRA (Sentro para sa Tunay na Repormang Agraryo) at humawak na ng mga 100 kaso hinggil sa problema sa lupa sa iba’t ibang probinsya. Kasama ang SENTRA sa mga grupo ng abugado na minataan ng militar dahil sa pagrepresenta sa mga kliyente mula sa iba’t ibang organisasyon na kundi pinatay, inabduk, inaresto at dineteyn. Sa katunayan, simula 2001, 17 abugado at hukom na ang pinaslang.

                Katotohanan na namumuhay tayo sa walang panahong pagkatakot at karahasan.  Katotohanan na patuloy ang pag-igting ng pasismo ng estado, sa suporta ng imperyalismo ng U.S. Katotohanan na lahat naman tayo ay mamamatay.  Katotohanan na ang tunay na buhay ay sa pakikibaka. Katotohanan na kaisa ng indibidwal na nakikibaka ang masa at kilusang kanyang ibinabaka. 

                Kung….

                Ang paruparo ay nakakapanlasa sa pamamagitan ng kayang paa

                Ang quack ng bibi ay hindi umaalingawngaw at walang may alam kung bakit

                Ang sampung minuto ng buhawi ay nagluluwal ng mas maraming enerhiya
               kaysa lahat ng nukleyar na pandigmang kagamitan

                Ang pangkaraniwang bilang ng namamatay sa pagkalulon ng takip ng ballpen ay 100 kada taon

                Ang pangkaraniwang takot ay sa gagamba pa at hindi sa kamatayan

                Ang 90 porsyento ng taxi sa New York ay minamaneho ng bagong dating na imigrante

                Ang 35 porysento ng mga tao ay gumagamit ng personal na ads para makapag-date

                Ang elepante ang tanging hayop na hindi nakakalundag

                Ang isang tao lamang sa dalawang bilyon ang mabubuhay ng 116 taon o mas matanda pa

                Ang direksyon na pwedeng ipastol ang baka ay pataas ng hagdanan pero hindi pababa

                Ang kababaihan ay dalawang beses ang dami ng pagkurap kaysa sa kalalakihan

                Ang pisikal na imposibilidad ay ang halikan ang sariling siko

                Ang Main Library ng Indiana University ay lumulubog nang isang pulgada kada taon dahil nang       ginawa ito, nakalimutan ng mga inhinyero na ilahok ang timbang na lahat ng mga librong pupuno rito

                Ang suso ay maaring matulog nang tatlong taon

                Ang “month” ang tanging salita sa ingles na walang tugma

                Ang ating mga mata ay pareho ang laki simula pa pagkasilang pero ang ating ilong at tainga ay hindi tumitigil ng paglaki

                Ang silya elektrika ay inimbento ng isang dentista

                Ang lahat ng polar bears ay gumagamit sa pangunahin ng kaliwang paa

                Ang mga pari sa lumang Egypt ay tinatanggal ang lahat ng buhok sa katawan,
kasama ang pilikmata at kilay

                Ang mata ng ostrich ay mas malaki sa utak nito

                Ang “typewriter” ang pinakahabang salita na maaring imakinilya nang gumagamit ng isang hanay lamang sa keyboard

                Ang “Go” ang pinakamaikling pangungusap sa Ingles

                Ang tunay na sukat ng katawan kung tao si Barbie ay 39-23-33, at ito ay may taas na seven feet, two inches

                Ang buwaya ay hindi kayang ilabas ang kanyang dila

                Ang lighter ay mas nauna pang naimbento kaysa sa posporo

                Ang mga Amerikano ay pangkaraniwang kumakain ng 18 ektaryang pizza araw-araw

                Halos lahat ng bumabasa nito ay magtatangkang dilaan ang kanilang siko.

                Kung magkagayon….

                Langhapin ang pawis at iba pang amoy ng kahanay sa kilos-protesta

                Damhin ang kolektibong pakikibaka

                Kumain ng fishball, nilagang mais o inihaw na pusit

                Tunghayan ang liyab ng sanlibong kandila o sulo

                Umindayog sa oyayi ng mga agit

                Kunan ng litrato sa isip ang mga nakikiisang masa

                Gunitain ang mga mukha ng mga mahal sa buhay

                O ordinaryong buhay na makakadaupang palad sa bawat araw

                Araw-araw ay umuuwi sa piling ng pakikiisa. Bulatlat

(Halaw kay Dabet Castañeda, “So Young, So Committed, and So Much in Danger,” https://www.bulatlat.com/news/6-37/6-37-young.htm, at “Weird Things You Would Never Forget,” cquansimbulan@hotmail.com, inakses noong 6 Disyembre 2002.)


BACK TO TOP ■  PRINTER-FRIENDLY VERSION  ■   COMMENT

© 2006 Bulatlat  Alipato Media Center

Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.