Bu-lat-lat (boo-lat-lat) verb: to search, probe, investigate, inquire; to unearth facts

Vol. VI, No. 40      Nov. 12 - 18, 2006      Quezon City, Philippines

HOME

ARCHIVE

CONTACT

RESOURCES

ABOUT BULATLAT

 

Google


Web Bulatlat

READER FEEDBACK

(We encourage readers to dialogue with us. Email us your letters complaints, corrections, clarifications, etc.)
 

Join Bulatlat's mailing list

 

DEMOCRATIC SPACE

(Email us your letters statements, press releases,  manifestos, etc.)

 

 

For turning the screws on hot issues, Bulatlat has been awarded the Golden Tornillo Award.

Iskandalo Cafe

 

Copyright 2004 Bulatlat
bulatlat@gmail.com

   

TULA (POETRY)

Gutom

NI CORAZON CAÑETE
Inilathala ng Bulatlat

In the Philippines, hunger reveals its face in the social survey of the Social Weather Station (SWS) for the third quarter of 2004. The survey shows that 15.1 percent of household heads reported that their families “had experienced hunger, without having anything to eat, at least once in the last (three) months.”  Source:  Bulatlat.com/.17-24 October 2004.

 

Hungkag ang sikmura,

nangangasim, sumisigaw ng pagkain.

Blangko ang kabuuan ng loob ng tiyan,

ni ang hangin sa loob ay lobong bundat,

naghahanap na madadampian ng

kahit na anong laman. Ngunit

kawalan.

Gutom ang taong nag-aari nito.

Ni laway na pang-tighaw sa nararamdaman,

ay di umaabot sa sikmurang dapat kalagyan,

kundi, ito ay dumampi  hanggang lalamunan lamang.

 

Gutom, baybayin mo ang salita

at baka maibsan ang sakit ng iyong tiyan.

Lunukin mo ang bawat letra nito

kahit na ito’y lilimang piraso lamang,

at baka mapawi ang pagnanasa sa pagkain

ng tiyan mong nakabuyangyang.

Lituhin mo ang iyong sarili.

Lingunin mo ang lahat ng dumaraan,

ingusan mo ang ngumunguya,

duraan mo ang may tangan ng pagkain,

tadyakan mo ang mag-alok sa iyo

ng kahit na munggo o banana que,

o kahit ano.

Pagkat ikaw ay gutom,

at ang gutom ay puwedeng maging baliw,

o manigas at mamatay sa anumang sandali.

 

Ipadama mo sa lahat ang ibig sabihin ng gutom.

Ilantad mo ang epekto nito, hawaan mo ang lahat,

upang malaman nila ano ang ibig sabihin nang magutom,

nagugutom o simpleng gutom.

Oo, ipadama mo sa madla ang gutom.

Ipahawak mo ang halos tingting na braso ng iyong anak,

ang tuyot na balat, ang luwang mga mata,

ang labing nagtutuklap, ang buhok na naglalagas.

O ialay mo sa kanila ang bangkay mong asawa

na namatay nang kumakalam ang sikmura.

Nanigas ang tiyan, tumigil ang paghinga

sa pagkabigo na walang pagkain.

Pirasong tinapay ay itinira para sa bunso,

di nakaabot ng paghihintay sa susunod na

subo at huminto ang pagtibok ng puso.

Buong katawan ang bumigay sabay ng

pagbawi ng hininga sa tindi ng gutom.

 

Salamat.

Salamat ‘ka mo, kahit ikaw ay luhaan.

Salamat ‘ka mo at di na mararamdaman

ng asawa mo ang magutom. 

Salamat ‘ka mo at ilang bibig na lang kayong

maghahati sa pirasong tinapay.

Salamat, paulit-ulit mong banggit.

Salamat,

at nabawasan ang nagugutom

dito sa ating bayan.

 

Inilathala ng Bulatlat

 

BACK TO TOP ■  PRINTER-FRIENDLY VERSION  ■   COMMENT

© 2006 Bulatlat  Alipato Media Center

Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.