Bu-lat-lat (boo-lat-lat) verb: to search, probe, investigate, inquire; to unearth facts

Vol. VI, No. 43      Dec. 3 - 9, 2006      Quezon City, Philippines

HOME

ARCHIVE

CONTACT

RESOURCES

ABOUT BULATLAT

 

Google


Web Bulatlat

READER FEEDBACK

(We encourage readers to dialogue with us. Email us your letters complaints, corrections, clarifications, etc.)
 

Join Bulatlat's mailing list

 

DEMOCRATIC SPACE

(Email us your letters statements, press releases,  manifestos, etc.)

 

 

For turning the screws on hot issues, Bulatlat has been awarded the Golden Tornillo Award.

Iskandalo Cafe

 

Copyright 2004 Bulatlat
bulatlat@gmail.com

   

DAGLI SA KRISIS*

100 Good Reasons to be ‘Pinoy’
(Thought Balloons, Ikalawang Bahagi)

Ang sa susunod na henerasyon? Ano ang kanilang magiging claim sa pagiging bayani? Lahat halos ng dekada ay minamarkahan ng kasaysayan ng hamon – batas militar at diktadura ng 1970s, People Power ng 1980s, EDSA Dos ng 2000s. Kabataang Filipino, ano na?

NI ROLAND TOLENTINO
Bulatlat

21.  Pakidala.  A personalized door-to-door remittance and delivery system for overseas Filipino workers who don’t trust the banking system, and who expect a family update from the courier as well.

Ang remittance ng OCWs ay $12 bilyon ngayong taong 2006, $13.5 bilyon sa 2007.  Lahat ay padala sa bangko. $2 bilyon ang dumarating dahil sa pakidala, $8.24 bilyon ang total na tantya mula 2001-2004. 38 porsyento ng mga tumatanggap ng remittance ay mas pinapaboran ang non-banking at informal na sistema dahil sa walang malalaking charges na idinadagdag. 

22.  Choc-nut. Crumbly peanut chocolate bars that defined childhood ecstasy before M&Ms and Hersheys.

Ang choc-nut ay imbensyon ng pambansang burgesya batay sa mga malaganap na materyales ng kapaligiran. Ano ang magiging definitive childhood ecstasy ng susunod na henerasyong hindi hinele ng Choc-nut? Mananaginip ba sila ng matatabang bilog at iba’t ibang kulay na M&Ms?

23.  Kamayan style. To eat with one’s hand and eschew spoon, fork and table manners –ah, heaven.

Kapag kumain kang nakakamay, nasa mababang uri ka o nasa Kamayan Restaurant ka.  Isa na namang ehemplo ng paghalaw ng mataas na uri sa kultura ng mababang uri para sa karagdagang kita. 

24.  Chicharon. Pork, fish or chicken crackling. There is in the crunch a hint of the extravagant, the decadent and pedestrian. Perfect with vinegar, sublime with beer.

Bagong tuklas! “Need omega-3's? Don't like fish? Get your good oils in a hearty serving of pork crackling.  Researchers have generated cloned pigs that express a humanized worm gene which encodes an n-3 fatty acid desaturase. The transgenic pigs produce high levels of n-3 fatty acids.” Genetically modified!  Chicaron na ang bagong oatmeal at sariwang prutas.

25.  Pinoy hospitality. Just about everyone gets a hearty “Kain tayo!” invitation to break bread with whoever has food to share, no matter how skimpy or austere it is.

Pero tandaan ang Filipino dekorum sa imbitasyon:  tatlong beses kang iimbitahan, dalawang beses kang tatanggi. Sa ikatlong imbitasyon ka lamang sasang-ayong makisabay kumain. Baka isipin ng nag-imbita sa iyo na patay-gutom ka.

26.  Adobo, kare-kare, sinigng and other lutong bahay stuff.  Home-cooked meals that have the stamp of approval from several generations, who swear by closely-guarded secrets and family recipes. 

Ang tawag sa isang gabing kultural na pagtatanghal ng mga Filipino-American sa kanilang identidad ay “Adobo Night.”  Isang gabi ng paggunita sa inaakala nilang pagka-Filipino nila sa Amerika.  Nag-aaral silang magsingkil, maglalatik at mag-Ifugao dance (balita pa nga ay ang mga lalaking lumalahok sa huli ay nagpapalaki ng katawan para ipang-disley sa gabing ito.)

Si J-Lo na nakapangasawa rin ng isang Filipino-American na backup dancer ay masaya sa paggunita ng pagkain ng pansit at spring rolls (lumpiang shanghai) na luto ng kanyang biyenan.

27.Lola Basyang. The voice once heard spinning tales over the radio, before movies and television curtailed imagination and defined grown-up tastes.

Si Lola Basyang ay ang sarswelistang Severino Reyes.  Ano ang ibig sabihin na si Reyes ang unang trans-gender na celebrity ng media sa bansa, alam ba ito ng mga magulang nang binabasa o pinapakinggan siya ng mga bata?

28. Pambahay. Home is where one can let it all hang out, where clothes do not make a man or woman but rather define their level of comfort.

Anong comfort?  40 porsyento ng populasyon sa syudad ay nakatira sa slums at komunidad ng squatters.  34.4 porsyento ng kabuuang populasyon ng bansa ay naghihikahos, 30 milyon ay maralitang taga-lunsod.  Sa isang banda, nakapambahay man ang marami, wala naman silang bahay.  Sa kabilang banda, ang pambahay ng iba ay panlabas na ng marami.

29. Tricycle and trisikad, the poor Pinoy’s taxicab that delivers you at your doorsteps for as little as three PH Pesos, with a complimentary dusting of polluted air.

Idagdag pa rito ang pedikab. Padjak power! Pero mag-ingat masagi ng nagmamadaling truck. Gayong ginagamit ding motel ng mahihirap.

30. Dirty ice cream. Very Pinoy flavors that make up for the risk: munggo, langka, ube, mais, keso, macapuno. Plus there’s the colorful cart that recalls jeepney art.

Halimbawa pa rin ng pambansang burgesyang karanasan: Selecta na binili ng multinasyonal na korporasyon, na muling umusbong sa Arce, ice cream na gawa sa gatas. Ilang galon ng sorbetes para sa isang maliit na cup ng Haagen Daz? Bakit walang “munggo, langka, ube, mais, keso, macapuno” na flavor ang Haagen Daz?

31. Yayas. The trusted Filipino nanny who, ironically, has become a major Philippine export as overseas contract workers.  A good one is almost like a surrogate parent – if you don’t mind the accent and the predilection for afternoon soap and movie stars.

Teka lang! Pinagkakatiwala mo ang buhay ng anak mo sa yaya nila pero hindi ang kanilang pagsasalita at libangan? Tama ba ‘yan?  Tulad ng OCW na yayang nanay o kapatid na babae, inaalagaan na nga nila ang hindi nila anak, nagsasakripisyo para may maipadala sa kanilang mga pamilya gayong hindi sila kailanman lubos na matatanggap na kapantay. Ang sad ‘no?

32. Sarsi. Pinoy rootbeer, the enduring taste of childhood. Our grandfathers had them with an egg beaten in.

Bakit lahat ng ugnay sa kamusmusan ay sa pamamagitan ng pagkain? Oral phase kaya ito, o ang paggunita sa yugto ng pagsuso sa ina at pagsubo ng lahat ng madadampot na bagay sa bibig? Kaya sa susunod na nalulumbay, uminom lamang ng inyong paboritong sarsaparilla (kung may makikita pa kayong sari-sari store na nagtitinda nito), sorbetes (kung may naglalako pa nito sa inyong village) at chicharon (a, ito ay ine-export na kaya nasa estante na ito ng inyong paboritong groseri).

33. Pinoy fruits. Atis, guyabano, chesa, mabolo, lanzones, durian, langka, makopa, dalanghita, sinigueles, suha, chico, papaya, singakamas—the possibilities!

Pero seasonal itong posibilidad. Hindi tulad ng mansanas, kahel, ubas, kastanyas, at longgan, paratihang naka-stock sa palengke at groseri. Mas mura pa ang bawat piraso kaysa sa lokal na prutas. Mabuhay ang neoliberalismong nagpasok ng mga prutas na dapat sana ay natutunghayan lamang kung Pasko.  

34. Filipino celebrities. Movie stars, broadcasters, beauty queens, public officials, all-around controversial figures: Aurora Pijuan, Cardinal Sin, Carlos P. Romulo, Charito Solis, Cory Aquino, Emilio Aguinaldo, the Eraserheads, Fidel V. Ramos, Francis Magalona, Gloria Diaz, Manuel L. Quezon, Margie Moran, Melanie Marquez, Ninoy Aquino, Nora Aunor, Pitoy Moreno, Ramon Magsaysay, Richard Gomez, San Lorenzo Ruiz, Sharon Cuneta, Gemma Cruz, Erap, Tiya Dely, Mel and Jay, Gary V.

Una, alam kaya ni San Lorenzo Ruiz na siya ay magiging celebrity nang pumayag siyang paslangin siya dahil sa kanyang Katolikong paniniwala?

Ikalawa, Mel and who?

Ikatlo, ang formula para maging celebrity: maging politiko, beauty queen, relihiyoso at sumali sa showbiz. Idagdag na rito, sports, baka magalit si Manny Pacquiao.

35. World class Pinoys who put us on the global map: Lea Salonga, Paeng Nepomuceno, Eugene Torre, Luisito Espinosa, Lydia de Vega-Mercado, Jocelyn Enriquez, Elma Muros, Onyok Velasco, Efren “Bata” Reyes, Lilia Calderon-Clemente, Loida Nicolas-Lewis, Josie Natori.

Una, kababaihan power!

Ikalawa, kung world-class Pinoy, bakit wala na ang marami sa nakalista rito ngayon?

Ikatlo, ang formula sa maging world class Pinoy: mabilis tumakbo, matigas manlaban, magaling dumiskarte sa inyong kanto sports (boxing, sprint, bilyar).

36. Pinoy tastes. A dietitian’s nightmare: too sweet, too salty, too fatty, as in burong talangka, itlog na maalat, crab fat (aligue), bokayo, kutchinta sapin-sapin, halo-halo, pastilyas, palitaw, pulburon, longganisa, tuyo, ensaymada, ube halaya, sweetened macapuno and garbanzos. Remember, we’re the guys who put sugar (horrors) in our spaghetti sauce. Yum!

Kung pinalaki mo ba naman sa ice cream, chicaron at Sarsi, magtataka ka pa kung bakit ganito ang diyeta ng gitnang uring Pinoy? 

37.  The sights. Banaue Rice Terraces, Boracay, Bohol’s Chocolate Hills, Corregidor Island, Fort Santiago, the Hundred Islands, the Las Pinas Bamboo Organ, Rizal Park, Mt. Banahaw, Mayon Volcano, Taal Volcano. A land of contrasts and ever-changing landscapes.

Your Honor, para maging lupain ng contrast, isama ang Payatas Land Refill, squatter na nakatira sa ilalim ng tulay at breakwater, o sa itinutulak na kariton, musmos na nagbebenta ng sampaguita, katutubong namamalimos sa inyong paboritong sangandaan, at aktibistang pinapaslang.  Welcome to the Philippines!

38. Gayuma, agimat and anting-anting. Love potions and amulets. How the socially-disadvantaged Pinoy copes.

Ito pala ang sikreto kung bakit natatanggap ng naghihikahos ang kanilang abang lagay (sarcasm po ito). At sa socially-empowered Pinoys? Dollar savings abroad, stocks and bonds, cash, cash, cash…

39. Barangay Ginebra, Jaworski, PBA, MBA and basketball. How the vertically challenged Pinoy compensates, via a national sports obsession that reduces fans to tears and fistfights.

Sa edad ng diaspora at globalisasyon, matatagpuan na lamang natin ang ating PBA na nanonood tayo ng teams na nilalahukan ng mga reject sa NBA. Iilang Pinoy ang lumalaking matatangkad at malulusog at kayang makipagtunggali sa basketball? Tapos na ang edad ni Ronnie Magsanoc. Ang iba namang basketball players ay nangangarap na lamang maging modelo ng underwear ng Bench.

40. People Power and EDSA. When everyone became a hero and changed Philippine history overnight.

Ang sa susunod na henerasyon? Ano ang kanilang magiging claim sa pagiging bayani?  Lahat halos ng dekada ay minamarkahan ng kasaysayan ng hamon – batas militar at diktadura ng 1970s, People Power ng 1980s, EDSA Dos ng 2000s. Kabataang Filipino, ano na? Bulatlat

(Halaw sa email na “100 Good Reasons to be ‘Pinoy’”, natanggap mula sa pinoytok@yahoogroups.com, 29 Agosto 2003, inakses noong 12 Pebrero 2006). 

 

------------------------------

(Ang maikling kolum na ito ay nasa pormang dagli, na ginamit sa mga diyaryo sa panahon ng kolonyalismo ng US sa Pilipinas. Ang moda ng dagli ay maaaring dedikasyon, malasanaysay o malakatha. Maaari itong magkaroon ng lamang pulitikal na siyang magiging palagiang laman ng kolum na ito.

 

BACK TO TOP ■  PRINTER-FRIENDLY VERSION  ■   COMMENT

© 2006 Bulatlat  Alipato Media Center

Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.