Bu-lat-lat (boo-lat-lat) verb: to search, probe, investigate, inquire; to unearth facts

Vol. VI, No. 5      March 5 - 11, 2006      Quezon City, Philippines

HOME

ARCHIVE

CONTACT

RESOURCES

ABOUT BULATLAT

www.bulatlat.com

www.bulatlat.net

www.bulatlat.org

 

Google


Web Bulatlat

READER FEEDBACK

(We encourage readers to dialogue with us. Email us your letters complaints, corrections, clarifications, etc.)
 

Join Bulatlat's mailing list

 

DEMOCRATIC SPACE

(Email us your letters statements, press releases,  manifestos, etc.)

 

 

For turning the screws on hot issues, Bulatlat has been awarded the Golden Tornillo Award.

Iskandalo Cafe

 

Copyright 2004 Bulatlat
bulatlat@gmail.com

   

TULA (POETRY)

Laban sa Deklarasyon ng State of Emergency: Dalawang Tula

 

NI LOLITO R. GO, JR.

Inilathala ng Bulatlat

 

 

I. State of Emergency

 

Ayon sa intelihensya ng kaharian:

 

Umabot hanggang palasyo ang usok ng

Nilulutong kudeta

May lahok ng alak na implamable

Puso ng dagang-bukid

Dugo ng asong-kalye

Kamandag ng serpiyente

 

Ipakakain sa reyna

Ang nakalalasong putahe

 

Ayon sa intelihensya ng kaharian:

 

Umabot sa palasyo ang pakakak ng

iresponsableng pamamahayag

Badya ng paghuhukom

Nakabubulabog

Nakabibingi

Nakaririndi ang alingawngaw

 

Ipanghaharana sa reyna

Ang makapunit-taingang ingay

 

Ayon sa intelihensya ng kaharian:

 

Umabot sa palasyo ang pinalipad na

Eroplanong papel

Ng desperadong mamamayan

Lulan ang mga titik

ng paninisi't pagbibintang

Sakay ang antraks ng benggansa

 

Ipasisinghot sa reyna

Hanggang malusaw ang mga baga

 

Umabot sa palasyo ang dagitab ng silakbo

Ang balaraw ng naipong panaghoy

Na sumisilahis mula sa maitim na papawirin

Na nagtatangka ng panibagong unos

Hindi pa man humuhupa ang alimuom

Ng nagdaang ambon

 

May karapatang mataranta ang lahat sa palasyo

At ipakandado ang bibig ng katotohanang nagtutumahol

 

Ayon sa intelihensya ng kahariang nauulol

 

 

 

II. Nang Bawiin ang Proclamation No. 1017

 

Ibinaba ang kautusang takpan ang imbornal na asal niyang umaalingasaw

At parusahan ang mga tahasang magsasabing sila ay nababahuan

Mababawasan nga ba ang sangsang sa paligid gayong butas ang panaklob?

Mapipigilan kaya ang panganganak ng mga namiyestang langaw at lamok?

Magagamot ba ang nanikip at nasugatang baga ng mga nakasinghot

Na hanggang ngayo’y nakaratay sa pagamutang walang bubong?

 

Matindi na ang kumplikasyon ng kontaminasyon

Tumutusok at lumilikha ng malaking siwang sa osown

Kaya nga tayo binabato ng masungit ng araw

At nginangalirang ang mga dahong dati’y silungan

 

Kanino isisisi ang pagsiklab ng damdamin, sa langit?

Kanino ibibintang ang malawakang pag-aaklas

Ng mga taong nabubulunan sa di-malunok na palakad

At nasasakal sa kabantutan ng mandarayang pamamahala?

 

Iniangat na ang pansamantalang panaklob-singaw

Iniatras na ang sandatang batas-kontra-katuwiran

Malaya na muli tayong makaiiyak

Habang hindi tumitila ang alingasaw

 

Maraming-maraming salamat...

 

Makibaka tayo kabayan!

 

Posted by Bulatlat

 

BACK TO TOP ■  PRINTER-FRIENDLY VERSION  ■   COMMENT

 

© 2006 Bulatlat  Alipato Publications

Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.