Bu-lat-lat (boo-lat-lat) verb: to search, probe, investigate, inquire; to unearth facts

Vol. VI, No. 6      March 12 - 18, 2006      Quezon City, Philippines

HOME

ARCHIVE

CONTACT

RESOURCES

ABOUT BULATLAT

www.bulatlat.com

www.bulatlat.net

www.bulatlat.org

 

Google


Web Bulatlat

READER FEEDBACK

(We encourage readers to dialogue with us. Email us your letters complaints, corrections, clarifications, etc.)
 

Join Bulatlat's mailing list

 

DEMOCRATIC SPACE

(Email us your letters statements, press releases,  manifestos, etc.)

 

 

For turning the screws on hot issues, Bulatlat has been awarded the Golden Tornillo Award.

Iskandalo Cafe

 

Copyright 2004 Bulatlat
bulatlat@gmail.com

   

TULA (POETRY)

1017 at Pagkatapos: Dalawang Tula

 

NI RICHARD R. GAPPI

Inilathala ng Bulatlat

 

I

Ganito daw dapat magsulat at mag-ulat:

The quick brown fox jumps over the lazy dog.

 

Sabi ng Malacañang:

The quick brown fox jumps over the lazy dog.

 

Sabi ng Department of Justice:

The quick brown fox jumps over the lazy dog.

 

Sabi ng Press Secretary:

The quick brown fox jumps over the lazy dog.

 

Sabi ng PNP:

The quick brown fox jumps over the lazy dog.

 

Sabi ng AFP:

The quick brown fox jumps over the lazy dog.

 

Sabi ng NTC:

The quick brown fox jumps over the lazy dog.

 

Ganito daw dapat magsulat at mag-ulat:

 

The quick brown fox jumps over the lazy dog

(                                                                                    )

The quick brown fox jumps over the lazy

(                                                              )

The quick brown fox jumps over the

(                                                      )

The quick brown fox jumps over

(                                                )

The quick brown fox jumps

(                                        )

The quick brown fox

(                             )

The quick brown

(                        )

The quick

(             )

The

(   )

 

(The quick brown fox jumps over the lazy dog)

 

(…)

 

Ang masasabi ko naman:

The QUICK brown fox JUmpS oVeR the LazY DoG.

 

II

Ganito ipinagdiwang ng pamahalaan

ang ika-20 taong anibersaryo sa pagpapalayas

ng mamamayan sa diktador ng aming bayan.

 

Sa EDSA, ang lansangang pinahaba

ng panahon at ng maningning na layon,

binuwag ng mga pulis ang tahimik na hanay ng mga raliyista;

inimbitahan ang isang lider-propesor ng Pamantasan ng Sambayan

upang kausapin at makipagnegosasyon.

Ngunit dinampot siya at ikinulong.

Krimen na ba ngayon ang magrali? Bakit n’yo ‘ko hinuhuli?

Sa bisa po, propesor, ng Proklamasyon Diyes-Disisyete.”

 

Mula sa kanyang munting dampa at pahingahan sa Bulacan,

dinampot at ikinulong din ng mga pulis

ang representante at tinig ng mga Anakpawis sa kongreso,

sa kongreso na pinuputakti ng mga kapitalista at panginoong maylupa.

Bakit n’yo ‘ko hinuhuli?”

At ipinakita ng mga pulis ang naninilaw at malutong

nang warrant of arrest sa kanyang kasong rebelyon

na hinalungkat pa sa baul ng diktador.

 

Pebrero 25, 

bandang ala-una nang umaga at magmamadaling-araw,

nilusob ng mga pulis at militar

ang isang pahayagan na kung makakagat ay lamok lamang;

binarikadahan nila ito at binantayan.

Bakit nakanguso sa aming bibig ang inyong mga baril?”

Walang pakundangan n’yo po kasing pinagkakaabalahan at pinalalaki

ang mga opinyon at sabi-sabi ng mga kaaway namin at hindi kakampi.

 

Nang sumunod na araw,

ganito din ang ginawa nila sa dalawang

pinakamalaking estasyon ng telebisyon sa aming bayan.

Nagbabala din ang kalihim ng Department of Justice

at mga pulis na matitikman din ng iba pang brodkaster

ang gayong sinapit na pait kung hindi susunod

sa mga pamantayan sa pag-uulat at pagkuha ng balita,

mga pamantayan na pulis at militar din ang magsusuri at magtatakda.

 

Sa kongreso naman, nakikipagpatintero 

ang limang kongresman ng sambayanan sa mga pulis,

sa mga pulis na inutusan ng Department of Justice

na damputin sila kahit walang warrant of arrest.

Bakit n’yo kami huhulihin?”

Kasabwat po kayo sa rebelyon…

 

Ganito ipinagdiwang ng pamahalaan

ang ika-20 taong anibersaryo sa pagpapalayas

ng mamamayan sa diktador ng aming bayan.

 

Gloria ang pangalan ng pangunahing pandangal

ng gobyernong namuno sa pagdiriwang.

 

Ito ang gobyerno na ang palasyo

ay nakatungtong sa kalansay ng gabi;

ang mga namumuno

ay pinataba ng nakaw na abono

habang nakalimlim sa hurno

at sa dilim ng kamposanto.

Ang kinang ng kanilang mga ngisi

at kalansing ng kampay sa tagay

ay singtalas ng pangil na buwan,

pangil na nakadamba sa pulutan:

sa isang nasagasaang asong kalye

na tinakluban ng dyaryong Abante.

 

- Angono, Rizal                       

Bulatlat

 

BACK TO TOP ■  PRINTER-FRIENDLY VERSION  ■   COMMENT

 

© 2006 Bulatlat  Alipato Publications

Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.