This story
was taken from Bulatlat, the Philippines's alternative weekly
newsmagazine (www.bulatlat.com, www.bulatlat.net, www.bulatlat.org).
Vol. VI, No. 6, March 12-18, 2006
TULA (
1017 at Pagkatapos: Dalawang Tula
NI RICHARD R. GAPPI
Inilathala ng Bulatlat
I
Ganito daw dapat magsulat at mag-ulat:
The quick brown fox jumps over the lazy dog.
Sabi ng Malacañang:
The quick brown fox jumps over the lazy dog.
Sabi ng Department of Justice:
The quick brown fox jumps over the lazy dog.
Sabi ng Press Secretary:
The quick brown fox jumps over the lazy dog.
Sabi ng PNP:
The quick brown fox jumps over the lazy dog.
Sabi ng AFP:
The quick brown fox jumps over the lazy dog.
Sabi ng NTC:
The quick brown fox jumps over the lazy dog.
Ganito daw dapat magsulat at mag-ulat:
The quick brown fox jumps over the lazy dog
(
)
The quick brown fox jumps over the lazy
( )
The quick brown fox jumps over the
( )
The quick brown fox jumps over
(
)
The quick brown fox jumps
( )
The quick brown fox
( )
The quick brown
( )
The quick
( )
The
( )
(The quick brown fox jumps over the lazy dog)
(…)
Ang masasabi ko naman:
The
QUICK brown fox JUmpS oVeR the LazY DoG.
II
Ganito ipinagdiwang ng pamahalaan
ang ika-20 taong anibersaryo sa pagpapalayas
ng mamamayan sa diktador ng aming bayan.
Sa EDSA, ang lansangang pinahaba
ng panahon at ng maningning na layon,
binuwag ng mga pulis ang tahimik na hanay ng mga
raliyista;
inimbitahan ang isang lider-propesor ng
Pamantasan ng Sambayan
upang kausapin at makipagnegosasyon.
Ngunit dinampot siya at ikinulong.
“Krimen na ba ngayon ang magrali?
Bakit n’yo ‘ko hinuhuli?”
“Sa bisa po, propesor, ng Proklamasyon
Diyes-Disisyete.”
Mula sa kanyang munting dampa at pahingahan sa
Bulacan,
dinampot at ikinulong din ng mga pulis
ang representante at tinig ng mga Anakpawis sa
kongreso,
sa kongreso na pinuputakti ng mga kapitalista at
panginoong maylupa.
“Bakit n’yo ‘ko hinuhuli?”
At ipinakita ng mga pulis ang naninilaw at
malutong
nang warrant of arrest sa kanyang kasong
rebelyon
na hinalungkat pa sa baul ng diktador.
Pebrero 25,
bandang ala-una nang umaga at magmamadaling-araw,
nilusob ng mga pulis at militar
ang isang pahayagan na kung makakagat ay lamok
lamang;
binarikadahan nila ito at binantayan.
“Bakit nakanguso sa aming bibig ang inyong
mga baril?”
“Walang pakundangan n’yo po kasing
pinagkakaabalahan at pinalalaki
ang mga opinyon at sabi-sabi ng mga kaaway namin
at hindi kakampi.”
Nang sumunod na araw,
ganito din ang ginawa nila sa dalawang
pinakamalaking estasyon ng telebisyon sa aming
bayan.
Nagbabala din ang kalihim ng Department of
Justice
at mga pulis na matitikman din ng iba pang
brodkaster
ang gayong sinapit na pait kung hindi susunod
sa mga pamantayan sa pag-uulat at pagkuha ng
balita,
mga pamantayan na pulis at militar din ang
magsusuri at magtatakda.
Sa kongreso naman, nakikipagpatintero
ang limang kongresman ng sambayanan sa mga pulis,
sa mga pulis na inutusan ng Department of
Justice
na damputin sila kahit walang warrant of arrest.
“Bakit n’yo kami huhulihin?”
“Kasabwat po kayo sa rebelyon…”
Ganito ipinagdiwang ng pamahalaan
ang ika-20 taong anibersaryo sa pagpapalayas
ng mamamayan sa diktador ng aming bayan.
Gloria ang pangalan ng pangunahing pandangal
ng gobyernong namuno sa pagdiriwang.
Ito ang gobyerno na ang palasyo
ay nakatungtong sa kalansay ng gabi;
ang mga namumuno
ay pinataba ng nakaw na abono
habang nakalimlim sa hurno
at sa dilim ng kamposanto.
Ang kinang ng kanilang mga ngisi
at kalansing ng kampay sa tagay
ay singtalas ng pangil na buwan,
pangil na nakadamba sa pulutan:
sa isang nasagasaang asong kalye
na tinakluban ng dyaryong Abante.
- Angono, Rizal
Bulatlat © 2006 Bulatlat
■
Alipato Publications Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.