Bu-lat-lat (boo-lat-lat) verb: to search, probe, investigate, inquire; to unearth facts

Vol. VI, No. 7      March 19 - 25, 2006      Quezon City, Philippines

HOME

ARCHIVE

CONTACT

RESOURCES

ABOUT BULATLAT

www.bulatlat.com

www.bulatlat.net

www.bulatlat.org

 

Google


Web Bulatlat

READER FEEDBACK

(We encourage readers to dialogue with us. Email us your letters complaints, corrections, clarifications, etc.)
 

Join Bulatlat's mailing list

 

DEMOCRATIC SPACE

(Email us your letters statements, press releases,  manifestos, etc.)

 

 

For turning the screws on hot issues, Bulatlat has been awarded the Golden Tornillo Award.

Iskandalo Cafe

 

Copyright 2004 Bulatlat
bulatlat@gmail.com

   

TULA (POETRY)

Kontinyuwing Kraym

NI RICHARD R. GAPPI
Inilathala ng Bulatlat

Mangatwiran tayo nang konti:

 

Sabi nila,

kontinyuwing kraym daw ang rebelyon.

Kaya kahit walang warrant of arrest,

halimbawa,

dinampot nila ang isang kongresman ng bayan

na namundok umano noong nakaupo pa ang diktador.

Ganundin ang gusto nilang gawin 

sa isa pang kongresman ng bayan,

na namundok din daw noong dekada nobenta

(e samantalang tagapangulo siya noon ng pambansang

samahan ng mga manunulat sa eskwelahan.)

 

E, yun kayang pandaraya sa halalan?

Hindi ba ito kontinyuwing kraym?

 

Hindi ba kontinyuwing kraym sa demokrasya

ang mamuno nang walang basbas ng balota?

 

Hindi ba kontinyuwing kraym sa moralidad

ang “Hello, Garci” tape na nabunyag?

 

Hindi ba kontinyuwing kraym sa institusyong militar

ang gamitin sila, laluna ang mga heneral, sa pulitika ng halalan at dayaan?

 

Ang suma total:

 

May rebelde ngayon

na walang ipinaglalabang paninindigan;

isang rebelde na nagkukuta sa Malacañang

na dapat nang arestuhin ng mamamayan.

 

Kahit walang warrant of arrest.

 

Kahit walang warrant of arrest.

- Angono, Rizal   

Bulatlat

 

BACK TO TOP ■  PRINTER-FRIENDLY VERSION  ■   COMMENT

 

© 2006 Bulatlat  Alipato Publications

Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.