This story
was taken from Bulatlat, the Philippines's alternative weekly
newsmagazine (www.bulatlat.com, www.bulatlat.net, www.bulatlat.org).
Vol. VII, No. 11, April 22-28, 2007
Inday Grecil*
NI FRANKIE
DEL ROSARIO
Inilathala ng Bulatlat Saksi ang
naulilang sapa Nag-alala ka. Sila na may maitim na balak, Inday Grecil, Ngunit, ayaw nilang mabuhay ka. Inilathala ng Bulatlat © 2007 Bulatlat
■
Alipato Publications Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.
Noong lumisan ka.
Ang kanilang mga balak
Ang nagpaitim sa tubig
Kaya't doo'y di ka na nakapaglaro.
Tumakbo kang papalayo sa sapa
Pabalik sa niraratrat na dampa.
Di mo nabatid,
Wala na roon ang iyong ama't ina
Wala na rin doon ang iyong mga kapatid.
Di mo na sila naabot ng iyong yakap.
Di na rin nila nayugyog ang iyong
pag-aalala.
Sapagkat bumaon sa lupa
ang iyong mga yapak.
habang ang mga punglo
ay humagibis sa iyong siko
at ang isa'y dumurog
sa mura mong bungo.
Inday Grecil,
Noong bago ka tuluyang paslangin,
Walang nakarinig sa impit mong daing
Maliban sa kanila.
Mga berdugong nag-piyesta sa iyong bangkay
Isang ripple ng M-16
na halos kasintaas mo
Ang sa iyo'y pilit pina-angkin
Upang ituro ka bilang salarin.
sakali mang dumaing ka
Bago ang bungo mo'y pasabugin
Walang nakarinig sa impit mong daing
Maliban sa kanila.
Dahil saksi ka laban sa kanila
mga berdugong humihiklas ng hininga
at pumapaslang ng mga pangarap
Ng maraming Ama at Ina
At ng gaya mong bata.
*Si Grecil Buya ay siyam na taong gulang noong siya ay paslangin ng mga
militar
ng 67th Infantry Battalion ng AFP sa Purok 5, Brgy. Kahayag New
Bataan, Compostela Valleynoong ika 31 ng Marso, 2007. Ilang araw lang ito
pagkatapos ng kanyang recognition sa Grade 2 sa Simsemin Elementary School kung
saan siya kinilala bilang isa sa pinakamahusay na estudyante at Most Neat.
Ngunit ayon sa militar, siya diumano ay isang batang mandirigma na kasapi ng New
People's Army (NPA). Patunay nito, ayon sa militar, ang isang M16 na itinutok sa kanila ni Grecil kaya nila ito binaril.