This story
was taken from Bulatlat, the Philippines's alternative weekly
newsmagazine (www.bulatlat.com, www.bulatlat.net, www.bulatlat.org).
Vol. VII, No. 3, Feb. 18-24, 2007
NI HUGH MACDIARMID
SALIN MULA SA INGLES NI GELACIO GUILLERMO
Inilathala ng Bulatlat
Para kay Muriel Rukeyser
Walang makaaangkin nitong kataasan (ang tugon ng anino)
Kundi silang ang tingin sa mga paghihirap sa mundo Ay
mga paghihirap, at sila’y hindi tutulutang mamahinga.
Keats,
Hyperion
Kayong binaligtad ang mundo ay pumarito rin.
Acta XVII, 6.
Patalilis na ang gabi, paparating na ang araw, tayo
nang iwaksi, kung gayon, ang mga gawa ng
kadiliman at isuot ang kalasag ng liwanag.
Romano XIII, l2.
Isang lunsod ng dagat ang Glasgow, pero ano ang silbi Sa
dakilang pantaong Sargassong ito kahit iyang galing,
Iyang kapasyahang unawain ang lahat ng kinalulugaran at direksyong
Esensya ng pagkatao ng isang marino, Ang
bunga ng tuwirang pagkatuto sa gawi ng mga bapor, Sa
gawi ng tao, at sa gawi ng mga babae laluna,
Pagkat ang mga ito ang pinakasintulad ng dagat at lagay ng panahon At
pinakamalalim na batis ng lahat ng akmang karunungan. Ang
ulap na sinlapad lang ng kamay ng tao, ang bagong
Himig sa hangin, ang banggit tungkol sa batel ng asin, At
ang mga marino ay nakababatid ng “ilang bagay”,
Iyang pag-unawa sa kubli pero makapangyarihang mga kahulugang
nakalubog Sa
mga pahiwatig na dumaan dili’y pagkabilis naman para masunggaban, Na
dapat maagaw mula sa mga bangin Sa
pampang at ilalim, iyan ang kanilang kinamihasnan Pero
hindi sapat para sa ganitong lubluban. Sino
bang marino sa kasaysayan ng mundo Sa
ito ring dagat na iyong nilakbay ang unang nakapagsabing Ang
along ito’y lalayo, ito’y susugod, alam ang ngalan Ng
bawat alon, nahulaan ang inaasahang landas nito At
ang pinal na ayos ng umiikid na kabuuan;
Natukoy sa bawat yugto ang makasaysayang agos Na
habang iyong sinasabi’y hayun nga’t nagaganap?
Iwinasto mo ang isang buong daigdig,
Walang madramang kumpas, walang di-malilimutang salita.
Ngayo’y sukatin mo ang Glasgow sa gayon ding
katipid na pagbabalikwas! Sa
mga araw ng rebolusyonaryong krisis tunay
kang sumisigla,
Nagiging paham, nakikini-kinita ang pagkilos ng mga uri At
ang malamang na mga zigzag ng rebolusyong
Parang nasa iyong palad;
Hindi lang kaisipang mapanuri kundi isa ring
Kaisipang mapagbuo at mapagsanib
Kayang itayo sa isip ang bagong realidad
Tulad nang dapat mangyari Sa
bisa ng tiyak na mga batas sa kalaunan,
Habang isinasaalang, oo, Ang
mulat na pakikialam, ang dibdibang pakikibaka Para
sa mga tungkuling hinaharap pa ng Partido at ng uring
pinamumunuan nito
Gayundin ang posibleng mga paglihis at inaasahang mga pagkilos Ng
lahat ng iba pang uri. – Ang gayong pagkapaham ay resulta Ng
malalim at lahatang-panig na kaalaman sa buhay
Hitik sa kulay, hugpungan at ugnayan. Mula
riyan ang lohika ng iyong mga talumpati – “tulad ng
makapangyarihang mga antena Sa
ekonomya, pulitika, ideolohia at iba pa.
Sinasapol minsanan ang lahat ng panig, tulad ng pang-ipit, At
wala kahit isang may natitira pang lakas na makakakalas sa
kanilang yakap;
Pumaloob o piliin ang lubusang pagkabigo.”
Habang sinasapol ng isang dakilang marino o makata Ang
praktikal na kahulugan, ang ideal na ganda, ang kinamihasnang
paghanga, Ang
kahulugang intelektwal at mga pagkakataong madamdamin Na
sa anumang saglit ay naghahalo-halo sa partikular niyang
kalagayan,
Dito’y may sintulad na pagtitipon ng mga kahulugan At
ang lahat ng ating namamasid ay nakalahad sa palaisipang
Pinangyayaring tanga ang sinumang dahop ang pag-iisip.
Paano ba mabilis na maiintindihan ang mga punto, Ang
kahulugan sa likod ng kahulugan, ang makapal na gubat
ng sala-salabat na sanggunian;
Paano makikita ang gubat sa gayong gulo ng mga punungkahoy;
Paano makakasunggab ng anumang kahulugan mula sa mga bunganga
ng hydra?
Minsang maintindihan ang lohika at pagpihit ng sandali,
Mahagip sa isang iglap ang buto-butong datos At
palampasong pag-uulat na “hiling ng publiko,”
Paano sasapulin ang mga “imbing pakana” at
magkapuwang sa kapangyarihan? Kung
hindi’y sira-ulo tayong nabubuhay sa ulo ng mga balita,
Sumasakay lang sa alon ng pang-araw-araw na iskandalo,
Nabubuhay sa aninag tulad ng isang mahilig sa sine, O
kahit anong tyaga’y di mailigtas sa pagkabangag o katangahan.
Hindi sapat ang pagsamba sa mga libro para sapulin ang mga ugat
ng kapangyarihan.
Samahan mo ako, Lenin, muling magsabuhay ka sa akin dito,
Lubos na unawain at lutasin, tulad ng iyong ginawa sa Rusya,
Itong mas hamak na gusot, ikaw na pinakadakilang proletaryong pantas!
Mahirap na pagsubok, aking maestro, sa isa pang kadahilanan.
Walang Impyernong katulad nitong looban ng Glasgow sa buong Rusya. Wala
saanman sa daigdig ng mga Puti Ang
ganitong lugar na nakabaon sa karumal-dumal na kawalan.
Tanging ang isang bansang ang ipinagmamalaki ay ang Simbahan ng
Scotland,
Isang bansang haling na haling sa pagiging episyente’t matipid,
Walang katapusan ang pagkamagiliw para pagtakpan ang totoo, Ay
may handog na obra-maestrang pang-impyerno. Sa
pagkasuklam ay baka magsuka ka pa, Ang
rurok ng kapitalismo at ang pusalian ng Impyerno,
Akmang patunay sa lahi nating napakarelihioso,
Gahaman, sinungaling, at di makatarungang
Walang kaparis. – Sunggaban itong kawing, diwa ni Lenin, At
hataking paitaas sa liwanag Ang
buong imbing kadena ng mga penomenang gumagapos Sa
Europa sa kalagayang lubhang napakaaba para sa angkin niyang lakas!
Naamoy mo na ba ang di malimut-limutang amoy ng looban?
Maaalala mo ba Ang
salaysay ni Proust tungkol sa samyong berdeng magulang at dilaw
ng inidoro, O
ang paliwanag ni Gilies nang umangal si Abelard
Tungkol sa kasuklam-suklam na lutuin ni Guibert, mas mabaho pa
sa tae, Pero
nakita naman mismo ni Abelard kung paano kuskusin ni
Guibert ang kaldero:
“Hindi niya binabanlawan ang basahang ipinangkukuskos niya. Iyon
ang nagbibigay ng lasa, ng amoy; ang pinakamabaho na
sa mundo.” Pero,
hintay! Umunlad na tayo. Hindi kayang ilarawan ng mga salita
ang masangsang Na
baho ng looban. Sa tabi nito, byoleta ang bangkay.
“Sa bawat pintuang aming kinatok, isang lalaking naka-t-shirt
ang nagbubukas, bigla at walang langitngit, parang itinutulak ng napakalakas na
amoy sa kanyang likuran. Ang amoy na ito ang pinakamalupit na simbolo ng
ganitong buhay; nakakasakal, nakakasuka; ang amoy ng nanuyong pawis at di
mawaring panggigitata ng katawan. Ang amoy na iyon! Kung minsa’y gumagapang
pasalubong sa amin mula sa mga hita ng maybahay, nagpaparamdam, parang nahihiya;
kung minsa’y sumusunggab, kaybulok at nakakahimatay. Minsan, sa mumurahing
bahay-paupahan ng isang babae, lumundag ito’t parang demonyong hayop na kami’y
sinagpang. Ang amoy ng looban, ang di malilimutan, ang kasuklam-suklam, na amoy!”
– Bolitho, “Ang Kanser ng Imperyo,” inilalarawan ang mga looban ng Glasgow. Ah,
kamata ng butiki, hangad kong makita Ang
pagsasabuhay mong muli dito at nakikipagtalo Sa
pipitsugin naming mga upisyal ng gubyerno,
Inuusig sila tulad ng masinggang tumatagos sa lukot na pamandewang, Pero
unahin – halimbawa’y sa restorang Cranston – Ang
ilang sikat na baboy-damong panatag na nakaupo Para
makita ko ang mapang-uyam na mga gwapong mukhang
Maglaho sa pagkasindak tulad ng pusang Cheshire ni Alice.
Kaming saksi sa mga dios na isa-isang
Nagsiluwalan sa modernong daigdig, kaming ganap na nakaunawang
Ligtas ang ating kaugnayan sa mundong pisikal
Basta’t tinatalikuran ang iba pa’t nakatuon Sa
mga simpleng datos mula sa normal nating mga sentido’t
Binabale-wala ang sa kanilang kaibutura’y samut-saring pagkakatulad, Alam
namin kung anong kaylawak na kapangyarihang mapagpalaya
ang pinalaya nitong mga dios Pero
ang gawai’y sa iba nila iniwa’t sila’y namuhay sa kaligtasang
nakaduduwag.
Normal, salamat sa ipinagmamatigasan nating taglay na kabulagan Sa
lahat ng makakagulo sa ating kaayusan,
Napakaingat para gumawa ng anuman tungkol dito,
Maiksi nga naman ang buhay, bagama’t itong mga looba’y
Kumukupkop ng laksang uod at pugita,
Pumipintig sa hangin ng kasamaan, may nasa’t kapangyarihang
Mag-alsa sa kasuklam-suklam na kabuhungang hindi masukat ang sukdulan At
puksain magpakailanman ang lahat ng sa atin. At
dito’t doon lang, isang tulad kong sosoning-soning Ang
sinisipat ang sarili, ang kanyang kaakuhan, sa pinakamatalas na
pagsusuri,
Tingnan ang kanyang paikut-ikot na pagtakbo, parang aso, nakatuon ang
bawat himulmol Para
sa ligtas na pagdating saanman, habang Sa
gayon ding pagpapasya, dapat niyang itulak ang sarili,
Higit na dumamdam anuman ang kabayaran, matinding makaranas,
magpakadurog pa,
Nagpapatangay sa hindi masukat na paimbulog at pasulong,
Basta – alam ng lahat ng kulang-kulang – mapagpatiwakal
na paglampas sa hangganan.
Nauuwi sa kung saan-saan at sa kawalan ang ating ulol na pagsisikap;
Kapusukan ng hambog na pag-asa, walang kapagurang mga Micawber,
Tiwala sa kung ano ang sinabi ni Gladstone noong 1890 O ni
Kristo ilandaang taong lumipas –
Walang kakulangan sa tagapayo, sa pagiging tuso ng
Rason.
Pinapatag ang daan patungong Impyerno ng sangkatutak na dakdakan Pero
walang nangyayari – wala kailanman;
Maliwanag lagi ang bukas, madilim ang ngayon.
Matalas – gayunma’y hindi man lang natin malutas itong problema;
Sibilisado – at ating ipinagyayabang itong napakapangit na sugat;
Kristyano – garapal naman ang paglabag sa lahat ng turo ni Kristo;
Tayong ipinagmamalaki ang ating bansang may imburnal
na nakatiwangwang sa ating pintuan, Tayo
na, ating iwaksi itong garapal na pambobola,
Aminin ang ating pagkainutil, tayong itinatanging kastrato ng Europa,
Nagpapataba sa ating kahihiyan, at sa tinig na singhina ng sa paniki
Ibinabando sa maka-demonyong mga simbahan ang ating
walang kamatayang pag-asang kasuklam-suklam.
At
ano nga ba itong imposibleng problema?
Mabigyan lang ang ilang libong tao ng sapat na makakain,
Disenteng pamamahay at makatwirang sweldo kada linggo. Ano?
Para sa wala? Oo! Iya’y kayang-kaya ng Scotland.
Hindi pwedeng gawin. Lalaging kasama natin ang mahihirap, Sabi
sa Biblya. Sinasang-ayunan ba ito ng ibang bansa?
Maliwanag na tayo’y hindi sang-ayon kung gayundin ang tindig nila.
Napaglipasan nang mga argumento laban sa pagwawakas ng Pang-aalipin! Ah,
hindi! Hindi itong mga pag-asang burgis ang ating layon.
Lenin, ikaw na mangingibig ng musika’y ayaw mangahas makinig,
Turuan rin kaming iwaksi ang lahat ng nakahahalinang tinig At
kamtin ang karampatang makalupa. Di mabilang na maliliit na layaw --Tunay,
magagarbong pangalan ang iginagawad natin sa kanila, tulad ng
Kultura— Sa
nakabibighaning tabi-tabi dito’t doon ang nanunukso,
Gayong tayo’y dapat nasa umaalingasaw na pusalian at iskinita,
Pinipigil ang libog ng ating walang kamatayang kaluluwa Sa
halip ay tumutupad ng tapat na paglilingkod sa sangkatauhan. Ang
makapangyarihang mga pwersang may pinakamasamang layon Ang
umaani ng mayamang tagumpay dito sa Glasgow, Sa
mga buhay na binansot at itinakwil at pagdurusang walang katapusan,
Maiiwasang mga sakit at “krimen” at kamatayan; at nakatindig lang Sa
gilid nitong matataong lansangan, nakatago ang mga baril,
Handa sa anumang buhay na pagkilos para lipulin Ang
mga taong itong walang kamalay-malay, nag-aabang
ang mga gangster, ang malulupit na upisyal,
Sinusubaybayan ang bawat kilos ng Glasgow at nanggigigil
na ito’y lusubin. At
nagkukubli rin ang mga pwersang laban sa kalayaan, Pero
naglipana ang mga lihim na ahente ng Pasismo Sa
kastilyo ng mga duwag, tindahan, bangko, mansyon at paaralan
Samantalang kakaunti ang nagsisilbi doon para sa Kalayaan, At
hindi makapagsilbi – dahil bingi ang lahat Sa
kanyang mga salita, barado ang tenga sa tutuli Ng
di pinag-isipang palagay at sinusustentuhang kabobohan
Hanggang wala nang mapaglagusan ang Kalayaan tungo sa kanilang isipan. At
higit pang mapanlalang at nakapanlulumo
Itinanim ng mga pwersang laban sa sangkatauhan ang kaisipang
Nalampasan na ng karunungan ang utak ng mga indibidwal
Hanggang walang kwentang mga detalye na lang ang kayang abutin Ng
isip ng ninuman; kaya nga
Itinutok ang napakalawak na tagumpay ng sangkatauhan laban
sa utak ng tao
Hanggang sa pangkalahatang panghihina’y mapilitang
Ikulong ng nakararami ang sarili sa pang-araw-araw na kaabalahan. Ito
ang rurok ng kasinungalingan, ang pagtataksil sa sangkatauhan.
Sinasayang ng lahat ang kalahati ng kanilang buhay.
Inuunsyami ang makataong simbuyo – ang kapasyahang gamitin ito
Hanggang isa o dalawang tao na lang sa bawat isang milyon Ang
nakababatid na ang kaisipan ang realidad – ang kaisipan at wala ng
iba! At
handang laguming lahat ang materyal – mithi nila Ang
pagsapol ng diwa ng lahat ng katotohanang kayang alamin. Sa
halip niyan may isa tayong Jeans na inilulugar ang mga bituin Sa
nakaugaliang mga pamahiin, at isang Barnes na pinagtatagni Ang
samot-saring geometry – Euclidean, Lobatchewskyan,
Riemannian— At
mga Cepheid variable, puting unano, pero kay tigas ng ulong (Kahit
tanggap niyang bigo ang walang saysay niyang paglalayag Sa
paglutas sa problema ng kaugnayan ng “Dios” sa Panahon)
Bumabalik sa pinagsimulan – walang ikinaiba sa pagkakanulo Ng
diwang syentipiko sa isang talunang Maykapal. At
sa Scotland kahit na ang isang Holdane, na nagbigay ng mahalagang
paglilingkod sa teorya sa biology Sa
patuloy na pagpapahalaga sa ispesyal na porma ng organisasyon Sa
mga bagay na buhay – pero kaylaki ng kanyang pagkabigo
Dahil sa palasukong naising tanggapin
Itong prinsipyo ng organisasyon na wala nang pagpapatunay Sa
halip na bakasin ang kaugnayan nito sa mas mababang prinsipyo
ng organisasyon Sa
mga paracrystal, colloid at iba pa.
Bihasang binabagtas ang napakahirap na daang paurong-sulong Mula
sa pagka-“ispontanyo” tungo sa kaabalahan sa disenyo, Mula
sa realistikong “sandali” tungo sa abstraksyon
ng esensyal na porma, At
matatapos sa pagsasanib ng lahat ng kanilang mga sangkap,
Karaka-raka’y realistiko at abstrakto,
“Gumagapang sa paligid ang mapangahas at walang pangingiming
ateismo at pinupuspos ang mga manggagawa, na siyang dapat mapuspos nito. Wala
akong ibang inaasahan. May ilang nagsabi sa akin, ‘Magsulat tayo sa istilo nina
Hume at Gibbon at akitin ang mga mambabasa mula sa hanay ng mas matataas na
uring panlipunan.’ Ang sagot ko’y ‘Hindi’; Wala akong alam tungkol sa
tinatawag na matataas na uring panlipunan maliban sa sila’y magnanakaw; Ako’y
kikilos para pangibabawan sila ng mga manggagawa.” RICHARD CARLILE O
tulad ni Michael Roberts, ang kanyang Bagong Bayan Ay
walang ipinag-iba sa lumang bayan, at sapat na medyebal
ang kanyang “modernong utak” Sa
pag-aming sa kabila ng lahat hindi niya maarok
Paano maililigtas ang sibilisasyon kung hindi nakapailalim Sa
otoridad ng Simbahang sa Kanlura’y
Walang iba kundi ang sinasabing Simbahang Kristyano.
Ibasura iyan. Kunin natin ang ating paninindigan
Hindi sa makaimpyernong pugad na ito ng inuubang loro
Kundi diretso kay Richard Carlile: “Ang kaaway na dapat
nating bakahin Ay
yaong hindi sumasang-ayon sa kapayapaan. Hindi nakikipagtalo
ang idolatria,
Hindi nakikipagtawaran o nakikipagkasundo ang superstisyon.
Kailangang lubos silang puksain Para
sa kaligtasan ng publiko’t ng indibidwal. Sina
Michael Roberts at Lahat ng mga Anghel! Auden, Spender, silang
mga siga kuno, Mga
dilawang dalawang ulit nang natalo: wala isa man sa kanilang May
katiting na tapang at integridad ni Carlile.
Hindi tulad nilang mga peke, ako’y kabilang – hindi para – sa
uring
manggagawa, At
tulad ni Carlile wala akong alam tungkol sa tinatawag na matataas
na uri
Liban sa sila’y mandaraya’t mamamatay-tao,
Nagpapatabang parang mga bampira sa masa. Ang
kamangmangan ng mga edukado! Pero ang mga kuyog sa Glasgow Ay
hindi man lang edukado liban sa isa o dalawa;
Nagkukumunoy ang balana sa mga salitang walang katuturan,
Mapagkunwari’t hungkag na lenggwahe lang, mga pasiklab. Ang
lenggwahe ng mapagbuong kaisipan Ay
hindi maintindihan liban ng iilan At
ang lahat na’y naglulublob sa sumabog nang mga maling akala At
itinatangi para sa mga kaluluwang imortal ang garapal nilang katangahan
Samantalang sa mas malalalim na suson ng kamangmangan nila’y
makikita ng sinumang hahalukay Ang
ganitong paghahanay – Scotland, ibang tao, sila mismo.
Hindi kami naglalaro o nagpapasunod ng mga alituntunin sa kung anong
klaseng laro lamang. Ang
makataong kabuuan ang aming pakay – ang tila musmos na diwang
Bagong-silang araw-araw – tunay na hindi pabaya sa tradisyon O sa
mga turo ng nakaraan: ang mga ito’y dapat niyang manahin. Pero
may kakayahang lubusang umunawa at pumaloob,
Masaklaw, hindi nababakuran, hindi makategorya, sensitibo at
mapagmahal, Ang
buhay na iya’y walang sagka, tuwid – Ah, Lenin,
Buhay at mas mayabong pang buhay, ikaw na Apoy ng Kalayaan, Tila
apoy sa iyong kawagasan at alab sa paghahanap ng langit,
Gayunma’y hindi dapat ibadya ng pang-uri ang pagka-bulalakaw lang,
Kagila-gilalas – hindi ang mga alipatong nagliliparan kundi ang matinding
Liwanag ng ubod ng iyong pagkatao, ang malawak at napakagaling na
katatagang
Nagbuo sa iyo – ang pumipintig na puso ng sangkatauhan! Diwa
ni Lenin, lumapag ka sa lunsod na ito ngayon!
Pagliwanagin itong lunsod ngayon!
1957
Salin ni Gelacio Guillermo ng “Third Hymn to Lenin,” nasa
Hugh MacDiarmid, Selected Poems, Edited with an Introduction by David
Craig and John Manson (Penguin Books, 1970), pp102-111
Salin ni Ramon Guillermo ng mga terminong Aleman sa
orihinal na teksto:
pagiging tuso ng Rason – die List der Vernunft
pagkamakalupa – Diesseitigkeit
Inilathala ng Bulatlat Si
Hugh MacDiarmid (Christopher Murray Grieve) ay isinilang sa Langholm, Scotland
noong 1892. Portero ang kanyang ama. Siya’y nagtrabaho bilang peryodista sa
Scotland at Wales. Nagsilbi sa Royal Army Medical Corps sa pagsisimula ng Unang
Digmaang Pandaigdig. Naglimbag ng mga antolohia ng mga tula (Northern
Numbers) at magasing pampanitikan (Scottish Chapbook). Ang mga unang
aklat niya ng mga tula ay ang Sangshaw(1925) at A Drunk Man Looks at
the Thistle (1926).
Masigasig na tagabandila ng Sosyalismo at isa sa tagapagtatag ng National Party
of Scotland noong 1928. Bumaling siya sa Komunismo at noong 1934 ay sumanib sa
Communist Party ng Great Britain.
Namatay na dukha noong 1978 sa edad na 86.
=====
Nicolai Lenin (Vladinir Ilyich Ulyanov), 1870-1924. Rebolusyonaryong Ruso,
lider ng mga Bolshevik sa panahon at pagkatapos ng Rebolusyong Ruso, at
tagapagtatag ng modernong Komunismo. Ilang pagbabago ang kanyang isinagawa sa
doktrinang Marxista; sa kanyang palagay, hindi lisya sa diwa ng Marxismo ang mga
pagbabagong ito, sa katunaya’y sinasalamin ang praktika nito sa kalagayan ng
ika-20 siglo. Kung naiiba ang teorya ni Lenin sa “materyalismong dialektikal”
ni Engels, ito’y sa sumusunod na mga punto: (I) Ang pagdidiin sa
rebolusyonaryong moralidad. ‘Ang ating moralidad ay lubusang naglilingkod sa
interes ng uring proletaryo.’ (ii) Ang teorya ng abanteng destakamento, i.e.,
partido komunista. (iii) Ang doktirina ng demokratikong sentralismo. (iv)
Ang pagbaka sa rebisyonismo at muling pagpapatibay ng doktrina ng makauring
pakikibaka. (v) Ang teorya ng imperyalismo bilang pinakahuling yugto ng
kapitalismo. (vi) Ang teorya ng pagpawi ng estado. (vii) Ang mga teorya ng
rebolusyong pangkultura at ng dobleng kadahilanan at resulta [double causality]
ng rebolusyon [obhetibong kalagayan at suhetibong kalagayan]. (Roger Scruton,
A Dictionary of Political Though, Great Britain: Pan Books, 1982.
pp.266-7. © 2007 Bulatlat
■
Alipato Publications Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.
TULA
(POETRY)
Ikatlong Himno kay Lenin