TULA (POETRY)
Oplan Bantay Laya,
Sumalangit Nawa
NI E. SAN JUAN, JR.
Inilathala ng Bulatlat
Natiyempuhan
ko lamang basahin sa pahayagan kamakailan
ang balitang
nagpakamatay sina Librado at Martina Gallardo
sa Barangay
Conversion, Pantabangan, Nueva Ecija —
hintay muna,
baka may masahol pang higit sa tinamasang hagupit —
upang
maiwasan ang walang pakundangang tortyur ng Armed Forces of the
Philippines.
Uminom lang
ng pesticide, ayos na —
Tumakas na
sila sa walang patawad na sundalo ng 48th Infantry Battalion —
Sabi ni
Heneral Palparan: “We are sorry if you are killed in the crossfire.”
Hintay muna,
baka may malupit pang sentensiya sa inyo!
Lason sa
balang at salot, nakalusot din sa “crossfire” ng mga bantay-salakay….
Lumaya rin
sa gobyernong mapagkandili’t maawain
Nakaiwas din
ang dalawang bangkay sa mapagpalayang militar
Salamat po,
Heneral, sa hatol niyo’t pagpapaumanhin —
Salamat po,
Madame Presidente, sa pesticide na inyong mamanahin —
Sa susunod
na “crossfire,” “sorry” din kami’t kayo po’y hihintayin….
Inilathala
ng Bulatlat
BACK TO
TOP ■
PRINTER-FRIENDLY VERSION ■
COMMENT
© 2007 Bulatlat
■
Alipato Publications
Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided
its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.