This story
was taken from Bulatlat, the Philippines's alternative weekly
newsmagazine (www.bulatlat.com, www.bulatlat.net, www.bulatlat.org).
Vol. VII, No. 3, Feb. 18-24, 2007
Oplan Bantay Laya,
Sumalangit Nawa
NI E. SAN JUAN, JR.
Inilathala ng Bulatlat
Natiyempuhan ko
lamang basahin sa pahayagan kamakailan
ang balitang
nagpakamatay sina Librado at Martina Gallardo
sa Barangay
Conversion, Pantabangan, Nueva Ecija —
hintay muna, baka
may masahol pang higit sa tinamasang hagupit —
upang maiwasan ang
walang pakundangang tortyur ng Armed Forces of the Philippines.
Uminom lang ng
pesticide, ayos na —
Tumakas na sila sa
walang patawad na sundalo ng 48th Infantry Battalion —
Sabi ni Heneral
Palparan: “We are sorry if you are killed in the crossfire.”
Hintay muna, baka
may malupit pang sentensiya sa inyo!
Lason sa balang at
salot, nakalusot din sa “crossfire” ng mga bantay-salakay….
Lumaya rin sa
gobyernong mapagkandili’t maawain
Nakaiwas din ang
dalawang bangkay sa mapagpalayang militar
Salamat po,
Heneral, sa hatol niyo’t pagpapaumanhin —
Salamat po, Madame
Presidente, sa pesticide na inyong mamanahin —
Sa susunod na
“crossfire,” “sorry” din kami’t kayo po’y hihintayin….
Inilathala ng
Bulatlat © 2007 Bulatlat
■
Alipato Publications Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.
TULA
(POETRY)