This story
was taken from Bulatlat, the Philippines's alternative weekly
newsmagazine (www.bulatlat.com, www.bulatlat.net, www.bulatlat.org).
Vol. VII, No. 3, Feb. 18-24, 2007
Paano babayaran Ang
utang ng aking bayan?
Nakayapak ang batang sinanla Para
sa mga sapatos ng isang
Unang Ginang.
Putol ang kamay ng manggagawa,
Habang lumalambi-lambitin sa daliri Ng
dating Pangulo Ang
kanyang mahal na tabako.
Gula-gulanit ang katawan Ng
magsasakang naninibilhan Sa
air-conditioned na kuwadra Sa
asyenda ng madasaling
Bayani ng Edsa.
Paano babayaran Ang
utang ng aking bayan?
Sapat na ba ang kapirasong balat,
Isang tadyang,
Kalhating puso na sa pagsilang Ay
kabiyak na ng kahirapan?
Anong kinakailangan
Upang tumindig Nang
walang pagkakautang? Taas
noo, At
walang presyong nakakabit Sa
pagkatao?
Makibaka nang walang humpay,
Pagkat hindi tayo patatahimikin
Maging ng mga punglo ng estado.
Makibaka at ialay ang laman at dugo Na
tinatakal ng mga bansang
Mayaman at makapangyarihan,
Makibaka sa bawat pintig ng dibdib Na
kanilang inaakalang
Hawak nila sa kanilang mga kamay
Dahil sa pagkakautang.
Bakit babayaran ang utang Na
di taumbayan ang nakinabang? Sa
halip,
Maningil para sa bawat guhit ng ginto na ninakaw Mula
sa kabundukan,
Bawat galon ng langis na tumapon At
lumason sa dagat.
Bawat patak ng dugo ng ninuno Na
pinaslang sa ngalan ng paglusob At
pananakop. At
bakit di natin sila pagbabayarin? Ang
ating sinisingil na utang Ay
usapin ng dangal,
Utang na katarungan.
Inilathala ng Bulatlat *Si
Joi Barrios-Leblanc ay Associate Professor sa Unibersidad ng Pilipinas (UP). Kasapi
siya ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan o New Patriotic Alliance) at
International League of People’s Struggles (ILPS). Nasulat ang tulang ito
pagkatapos dumalo ang may-akda sa isang panayam sa World Social Forum sa Nairobi
noong Enero 2007. © 2007 Bulatlat
■
Alipato Publications Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.
TULA
(POETRY)
Utang
NI JOI BARRIOS-LEBLANC*
Inilathala ng
Bulatlat