Bu-lat-lat (boo-lat-lat) verb: to search, probe, investigate, inquire; to unearth facts

Vol. VII, No. 4      Feb 25 - March 3, 2007      Quezon City, Philippines

HOME

ARCHIVE

CONTACT

RESOURCES

ABOUT BULATLAT

www.bulatlat.com

www.bulatlat.net

www.bulatlat.org

 

Google


Web Bulatlat

READER FEEDBACK

(We encourage readers to dialogue with us. Email us your letters complaints, corrections, clarifications, etc.)
 

Join Bulatlat's mailing list

 

DEMOCRATIC SPACE

(Email us your letters statements, press releases,  manifestos, etc.)

 

 

For turning the screws on hot issues, Bulatlat has been awarded the Golden Tornillo Award.

Iskandalo Cafe

 

Copyright 2004 Bulatlat
bulatlat@gmail.com

   

TULA (POETRY)

Sino Nga Ba ang Terorista?

 

NI MANG LINO

Inilathala ng Bulatlat

                                   

Sa depenisyon ng may kapangyarihan –

Ang bumubulabog sa Malakanyang

Ang layunin ay destabilisasyon,

Maghasik ng takot at pumaslang.

At bakit hindi?

Matagal nang walang direksyon ang pag-unlad,

Sagana sa buwitre at buwaya ang bayan;

Marami sa kanila’y nagmumugad sa Malakanyang,

Kongreso at husgado.

Garapalang pagyurak sa karapatang pantao.

Nguni’t paano nga ba pinapalayas ang mabangis na hayop,

Hindi ba’t binibulabog?

Kung may takot man,

Hindi mayoryang walang yaman,

Kundi ang nakakapangyayari,

At may interes na pinoprotektahan, interes

Kung saan may malaking puhunan, kabi-kabila’y sundalo

At ang protestang-masa’y binubusalan,

Animo’y panggulo.

 

Hindi na takot ang namamayani sa mga nagugutom

Hindi takot ang namamayani sa mga pagod

Hindi takot ang naiipon sa mga nawawalan ng mahal sa buhay

Kundi galit at kawalan ng pag-asa… ngunit sa isang banda…

Ang galit ang nagtutulak sa pagsisikap at pakikabaka

At magpapatuloy sa pagyabong ng armadong pwersa.

Matagal na silang takot…

Ngayon, ang Malakanyang na ang dapat matakot.

 

Inilathala ng Bulatlat

 

BACK TO TOP ■  PRINTER-FRIENDLY VERSION  ■   COMMENT

 

© 2007 Bulatlat  Alipato Publications

Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.