TULA (POETRY)
Pusong Abo
NI ROMMEL PIPOY LINATOC*
Inilathala ng Bulatlat
Libong tinig ang humihiyaw, di ka nakinig
Pilit kang nakipagniig sa sariling silid
Kumot na itim ang ipinambalot
Nilasing ka ng sarili mong hagok
Ginawa mong minatamis ang panis na laway
Nangangalit ang mga ngipin, nagbabanta ng lagim
Habang inuunan ang naglilihing taumbayan
Nilunok mo ang sindak at pilit nangarap
Nunal sa iyong pisngi gumugulong sa inis
Sa samu’t-saring batikos at mga pagkilos
Di ka makatulog at panay ang utot
Gumiling, bumangon at humalinghing
Labing maamo, nagmistulang kuyukot
Bumulwak ng burak, nangatwirang baluktot
Walang pakundangang ang pamamaslang
Ang akala mo’y lihim, lumulutang sa hangin
Kulay-abo ang iyong puso
Ugat ay nanigas, pintig ay lumipas
Iyong niyurakan ang karangalan ng bayan
Tuwang-tuwa ka sa bawat kamatayan
Darating ang sandali, di ka na makakapamili
Gigisingin ka sa sindak ng umiiyak na sanggol
Kapangyarihang iyong binalahura
Babalik sa lupa, bayan ang aangkin
Inilathala ng Bulatlat
Si Rommel Pipoy Linatoc ay
nagtuturo sa University of Winchester, na nasa United Kingdom. Kasapi
siya ng Migrante-UK.
BACK TO
TOP ■
PRINTER-FRIENDLY VERSION ■
COMMENT
© 2007 Bulatlat
■
Alipato Publications
Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided
its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.