TULA (POETRY)
Lenang Hihibok-hibok*
NI MARK ANGELES**
Inilathala ng Bulatlat
Si Lena ng Perpetual
naging intern isang araw
sa pampublikong ospital
sa isang malayong bayan.
Mapuputing mga
g’wantes
kaniya lamang ginamit
sa pag-ahit at paglinis
ng p’werta ng mga buntis.
Nayamot itong si Lena
sa kasisilip ng p’werta.
Pangarap ay ibang mesa
(altar ng pag-oopera).
Si Lenang
hihibok-hibok
sa ospital ay hilahod
at kapag makapagtapos
patay-patay rin ang sahod.
Kung pisi ay
durugtungan
at kung makapaghihintay,
isang hukbong nadaplisan
siya niyang lulunasan.
Itong mahinahong
hukbo
siya ngayong magtuturo
paraan ng pagbububo
sa naimpeksiyong dugo.
“Pagbalik sa
kasarinlan”
tinig rin sa pagamutan,
lahar na siyang aapaw
sa naghihilab na bulkan.
Inilathala ng
Bulatlat
*reference
sa Mt. Hibok-Hibok
**Si Mark Angeles
ay dating vice president for Luzon ng College Editors Guild of the
Philippines. Naging Fellow sa Tula ng magkasunod na IYAS at Iligan
National Writers Workshops noong 2006. Siya ay miyembro ng Kilometer 64,
isang samahan ng mga progresibong makata.
BACK TO
TOP ■
PRINTER-FRIENDLY VERSION ■
COMMENT
© 2007 Bulatlat
■
Alipato Publications
Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided
its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.