This story
was taken from Bulatlat, the Philippines's alternative weekly
newsmagazine (www.bulatlat.com, www.bulatlat.net, www.bulatlat.org).
Vol. VII, No. 6, March 11-17, 2007
NI
MARK ANGELES** Mapuputing mga g’wantes Nayamot itong si Lena Si Lenang hihibok-hibok Kung pisi ay durugtungan Itong mahinahong hukbo “Pagbalik sa kasarinlan” Inilathala ng Bulatlat *reference
sa Mt. Hibok-Hibok **Si Mark Angeles ay
dating vice president for Luzon ng College Editors Guild of the Philippines.
Naging Fellow sa Tula ng magkasunod na IYAS at Iligan National Writers Workshops
noong 2006. Siya ay miyembro ng Kilometer 64, isang samahan ng mga progresibong
makata.
© 2007 Bulatlat
■
Alipato Publications Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.
Inilathala ng Bulatlat
Si Lena ng Perpetual
naging intern isang araw
sa pampublikong ospital
sa isang malayong bayan.
kaniya lamang ginamit
sa pag-ahit at paglinis
ng p’werta ng mga buntis.
sa kasisilip ng p’werta.
Pangarap ay ibang mesa
(altar ng pag-oopera).
sa ospital ay hilahod
at kapag makapagtapos
patay-patay rin ang sahod.
at kung makapaghihintay,
isang hukbong nadaplisan
siya niyang lulunasan.
siya ngayong magtuturo
paraan ng pagbububo
sa naimpeksiyong dugo.
tinig rin sa pagamutan,
lahar na siyang aapaw
sa naghihilab na bulkan.