Bu-lat-lat (boo-lat-lat) verb: to search, probe, investigate, inquire; to unearth facts

Vol. VII, No. 6      March 11 - 17, 2007      Quezon City, Philippines

HOME

ARCHIVE

CONTACT

RESOURCES

ABOUT BULATLAT

www.bulatlat.com

www.bulatlat.net

www.bulatlat.org

 

Google


Web Bulatlat

READER FEEDBACK

(We encourage readers to dialogue with us. Email us your letters complaints, corrections, clarifications, etc.)
 

Join Bulatlat's mailing list

 

DEMOCRATIC SPACE

(Email us your letters statements, press releases,  manifestos, etc.)

 

 

For turning the screws on hot issues, Bulatlat has been awarded the Golden Tornillo Award.

Iskandalo Cafe

 

Copyright 2004 Bulatlat
bulatlat@gmail.com

   
TULA (POETRY)
Tatlong Retorika ng Pagkamakata

 

NI AXEL PINPIN*

Inilathala ng Bulatlat

 

I. Pagkat May Dalang Halihaw ang Tula

 

Hindi humihingi ng paumanhin ang panulaan

Hindi nagpapasintabi, manapa'y nag-aalay

 

            di lamang ng kulay

            lumilikha ito ng buhay

 

na karanasan ng masa sa entabladong lupa

pagkat may dalang halihaw ang tula

            di lamang kiliti

            salaysay nito ang dalamhati

 

ng mga ginang at ginoong di nakakabigkas ng tula

kaya't hindi mahika ang hated ng makata

            di lamang pagkamangha

            usal nito ang pagkaunawa

 

ng mga ale at mamasa hamonsa pagba-banyuhay

dahil kung kagigiliwan lamang ang tula'y anong saysay?

            dili't palamuti

            diwata sa guni-guni

 

ng matatakuting paslit na busog sa paksiw ng ayungin

o ng obrerong mas pabigat sa tiyan ang nilupak na saging

            di tulad ng espasol

            hatid nito'y hangin

 

Sa sikmura; kundiman pagtakap ng bibig sa kawalang-lasa.

Pagka't may hatid na halihaw ang tula

            di lamang sa diwa

            bagkus ay sa praktika

 

II. Kapag Tumula ang Masa

 

Kapag tumula ang masa

agapan mo ang kanilang talinhaga.

Di bale na muna ang sukat

ngunit 'wag lilibsan ang tugmang maliligat.

Kagiliwan mo ang romansa,

laruin ang dulas ng awit at prosa

halukayin ang lalim;

may kahulugan pati ang kanilang tighim,

Dahil kapag tumula ang masa

bumabalong ang mga talata.

Kaya't aagapan mo ang kanilang kabalintunaan,

rurok at imortalidad ng mga karanasan;

pagsasatao ng mga walang kaluluwa,

pagbibinyag, debate, pati litanya.

Punan mo ang mga pagitan ng mga linya

at 'wag kang pagagapi sa aliterasyon ng dila.

Kapag tumula na ang masa,

damhin ang gaspang ng kanilang hininga,

dahil kapag tumula ang masa,

di sila naka-Barong Tagalog

at walang lawrel sa tuktok.

Kaya't higit na mahalaga ang retina,

pang-amoy, pandama, duda,

dahil kapag tumula ang masa,

marani'y hindi sila nagsasalita.

 

III. Ang Mapahiya at Magyabang

 

Sino ba ang hindi mahihiya

kung pagtaasan ka ng kilay at pagkibitan ng balikat

ng kapwa mo makata?

Dahil ang tula mo ay kapos sa saliw

                                                aliw

                                                aliw-iw

                                                at di nagmamaliw

 

na pagkabaliw sa teknika

 

Sino ba ang di magyayabang

kung pagtaasan ka ng kamao at matapik sa balikat

ng pinaglingkuran mong magsasaka?

Dahil ang tula mo ay apaw sa awit

                                                galit

                                                at dalit

                                                ng naghihimagsik

na katuturan ng praktika

 

Inilathala ng Bulatlat

 

*Si Axel Pinpin ay kabilang sa tinaguriang “Tagaytay 5” – kasama nina Riel Custodio, Aristedes Sarmiento, Enrico Ybańez, at Michael Masayes – na dinukot ng mga pulis at military noong Abril 28, 2006 sa Tagaytay City, pinaratangang mga “rebeldeng komunista” at ngayo’y halos isang taon nang nakakulong sa Camp Vicente Lim ng Philippine National Police (PNP). Naging fellow siya para sa tula ng UP National Writers Workshop noong 1999. 

 

BACK TO TOP ■  PRINTER-FRIENDLY VERSION  ■   COMMENT

 

© 2007 Bulatlat  Alipato Publications

Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.