This story
was taken from Bulatlat, the Philippines's alternative weekly
newsmagazine (www.bulatlat.com, www.bulatlat.net, www.bulatlat.org).
Vol. VII, No. 8, March 25-31, 2007
Mga Demonyong Pakawala ng
Malakanyang NI
BIENVENIDO LUMBERA Dalawa ang ulo,
nakamotorsiklo, Inilathala ng Bulatlat © 2007 Bulatlat
■
Alipato Publications Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.
Inilathala ng Bulatlat
Itim ng pusaling konsensya ang bonnet,
Itim ng natuyong dugo ng masa ang T-shirt at pantalon,
Itim ng burak ng posonegro ang utak ng buto.
May sukbit na .45, nakaantabay,
Tila ligaw na kaluluwang naghihintay sumapi
Sa lasog na katawan
Ng biktimang ang tanging kasalanan
Ay paglilingkod sa sambayanan.
Ginagalugad ang kabayanan at kanayunan,
Hayok na naghahanap ng mga katawang
Tatadtarin ng balang akala ng heneral
Ay makapapatay sa rebolusyong naglalatang
Sa dibdib at utak ng bayan,
Ng anak na inulila sa magulang,
Ng bawat komunidad na ginaga, nilapastangan,
Ng mga estudyanteng walang pagkaubos ang hanay.
Hoy, Maginoong Heneral, inaamo-amo, inaapo-apo
Ng mga demonyo ng Malakanyang,
Maghintay ka lang,
Ang mga manggagawa, magsasaka, maralitang-lunsod
At kabataang sinisindak mo at niyuyurakan,
May baga at ningas silang inaalagaan,
At bawat pamamaslang ay buga ng habagat
Na may dalang lagablab ng himagsikang
Sisila at lalamon sa itim na kalansay
Ng mga demonsyong pakawala ng Malakanyang.