Bu-lat-lat (boo-lat-lat) verb: to search, probe, investigate, inquire; to unearth facts

Vol. VII, No. 9      April 1- 7, 2007      Quezon City, Philippines

HOME

ARCHIVE

CONTACT

RESOURCES

ABOUT BULATLAT

www.bulatlat.com

www.bulatlat.net

www.bulatlat.org

 

Google


Web Bulatlat

READER FEEDBACK

(We encourage readers to dialogue with us. Email us your letters complaints, corrections, clarifications, etc.)
 

Join Bulatlat's mailing list

 

DEMOCRATIC SPACE

(Email us your letters statements, press releases,  manifestos, etc.)

 

 

For turning the screws on hot issues, Bulatlat has been awarded the Golden Tornillo Award.

Iskandalo Cafe

 

Copyright 2004 Bulatlat
bulatlat@gmail.com

   

TULA (POETRY)

Tagsibol sa Den Haag, Nederland, 25 Marso 2007

 

NI E. SAN JUAN, JR.

Inilathala ng Bulatlat

 

                                                                          [Para kay CPA]


Mula sa tuktok ng Christus Triumfator sumungaw ang araw
at sa Pax Christi sumikat
                                          ang talim ng hatol:
"Guilty" ang U.S.-Arroyo rehimen--deklara ng Permanent People's Tribunal....

 

Mainit na ang hipo ng amihan sa iyong pisngi, Carol....

 

Nagtatangka nang bumuka ang buko ng mga bulaklak
                                                          sa pintuan ng Hotel Van Der Valk de Bijhorst

 

Subalit sina Ka Bel, Satur at limang kasama sa Tagaytay ay nakabilanggo pa rin

Patuloy pa rin ang pagpatay at pambubusabos
Patuloy pa rin, sa kabila ng himagsikan, ang laganap ng kadiliman

 

Dito sa maaliwalas na lansangan ng Den Haag, walang ugong
     ng motorsiklo, walang mga taong naka-bonet
Walang baril na nakaumang sa pagitan ng mga hita ng daffodil

 

Ngunit bakit hindi panatag ang loob mo, Carol?


Habang pinakikiramdaman ang kislot ng bombilya ng tulip
          sa pusod ng lupa
Unti-unting gumigising sa panaginip    unti-unting bumubuka
At sa banaag ng pagdamay   

                                              masilayan ang iyong ngiti--


Binabaklas ang mga rehas ng bukang-liwayway ng iyong mga labi--

 

Panahon na ng Christus Triumfator, bayang lumalaban!

 

Inilathala ng Bulatlat 

  

BACK TO TOP ■  PRINTER-FRIENDLY VERSION  ■   COMMENT

 

© 2007 Bulatlat  Alipato Publications

Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.