This story
was taken from Bulatlat, the Philippines's alternative weekly
newsmagazine (www.bulatlat.com, www.bulatlat.net, www.bulatlat.org).
Vol. VII, No. 9, April 1-7, 2007
Tagsibol sa Den Haag, Nederland, 25 Marso
2007
NI E. SAN JUAN, JR.
Inilathala
ng Bulatlat
[Para
kay CPA]
Mainit na ang hipo ng amihan sa iyong pisngi,
Carol....
Nagtatangka nang bumuka ang buko ng mga bulaklak
Subalit sina Ka Bel, Satur at limang kasama sa
Tagaytay ay nakabilanggo pa rin
Patuloy pa rin ang pagpatay at pambubusabos
Dito sa maaliwalas na lansangan ng Den Haag,
walang ugong
Ngunit bakit hindi panatag ang loob mo, Carol?
masilayan
ang iyong ngiti--
Panahon na ng Christus Triumfator, bayang
lumalaban!
Inilathala ng Bulatlat © 2007 Bulatlat
■
Alipato Publications Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.
Mula sa tuktok ng Christus Triumfator sumungaw ang araw
at sa Pax Christi sumikat
ang talim ng hatol:
"Guilty" ang U.S.-Arroyo rehimen--deklara ng Permanent People's Tribunal....
sa pintuan ng Hotel
Van Der Valk de Bijhorst
Patuloy pa rin, sa kabila ng himagsikan, ang laganap ng kadiliman
ng motorsiklo, walang mga taong naka-bonet
Walang baril na nakaumang sa pagitan ng mga hita ng daffodil
Habang pinakikiramdaman ang kislot ng bombilya ng tulip
sa pusod ng lupa
Unti-unting gumigising sa panaginip unti-unting bumubuka
At sa banaag ng pagdamay
Binabaklas ang mga rehas ng bukang-liwayway ng iyong mga labi--