Dalawang Tula para sa Mayo Uno
NI JOI BARRIOS-LEBLANC Syento Beinte Singko Gasino na ang syento beinte singko? Apat na kilo ng bigas, ilang saing sa hapag ng mahirap. Anim na pirasong galunggong, Simutin mula ulo hanggang buntot, at nang makatawid gutom. Kahit noodles ay laman na rin ng sikmura...