Day: May 19, 2015

Sumasagupa sa malaking alon ang payak mong bangka. Milya pa ang layo bago matunton ang lupa. Sasabayan ng pagbagsak ng luhang mas maalat pa sa dagat. Pilit isinasalba ang buhay at mata’y maimulat. Mabilis ang pagsagwan sabay sa alon ng mapanghusgang unos. Lalaban, susugod, pananglaw sa karagata’y hindi mauubos. Saan ipaglalaban ang puso mong busilak…